"Sulitin ang oras na kasama mo ang iyong mahal, hindi natin alam. Baka kinabukasan wala na"
Lumipas ang panahon, hindi ko na namalayan kong ilang araw o taon na ako dito sa panahon nila Clara. Noong una, naguguluhan ako. Kung bakit makaluma ang lahat dito sa kanila, yun pala. Bumalik ako sa nakaraan, hindi ako makapaniwala na makakabisita at makakatapak ako sa panahong ito. Hindi din naman madaling natanggap namin ni Clara ang nangyari,kung bakit parehas kaming nawalan ng malay at bigla nalang nagkatagpo. At ako, galing sa kasalukuyan dinala ako dito sa nakaraan. Ang malaking tanong, sino ang nagdala sa akin dito ?
Sa mga nakalipas na araw, sinubok ang aking katatagan bilang isang lalake. Mula noong una naming pagkikita ni Clara, nalaman kaagad ng kanyang mga magulang na may kasama siyang lalake siya loob ng kanyang kwarto. Hindi ko mawari kung anong tago at lihim naming dalawa sa kanyang mga magulang na nakuha kong magtago ng dalawang linggo sa kanyang kwarto. Hindi ako lumalabas, nakasilip lang ako sa bintana pero limitado lang din ,baka kasi may makakita at malalagot kaming dalawa ni Clara. Pero kahit anong tago mo sa isang tao o bagay, malalaman at malalaman din yan ng lahat ng tao.
Noong una, galit na galit ang Papa ni Clara. Siya daw ang dahilan kung bakit mawawalan ng dignidad ang kanilang pamilya dahil sa kanyang ginawang pagtago ng isang lalake sa kanyang kwarto. Halos palayasin nila si Clara, pero hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin na panagutan ang ano mang nasa amin ni Clara kahit na wala naman kaming ginagawang masama. Sinubok ako ng Papa ni Clara, pinainom ako, pina-igib ng tubig, utos doon at dito. Para akong naging alila sa mga oras na iyon, pero para kay Clara kinaya ko ang lahat ng mga suliranin na dulot ng kanyang ama.
Hindi naglaon, natanggap ako ng kanilang pamilya. Okay na sana ang lahat, ang problema. Nagsimula na silang magtanong kung saan ako nanggaling at ano ang angkan ko. Nagkautal utal kami ni Clara sa pagsagot ng mga tanong ng kanyang mga magulang. Hindi ko masabi sa kanila na ako'y galing sa kasulukayan, at ako'y isang dayo lamang dito sa nakaraan.
"Kael, pag dumating yung araw na bigla ka nalang mababalik sa Kasalukuyan. Anong gagawin mo ?" Tanong sa akin ni Clara. Nakahiga kami ngayon sa damuhan, habang nakatanaw sa mga batang naglalaro doon sa malayo.
"Syempre, malulungkot ako, masasaktan ako. Maiiwan kita dito. Pero sa totoo lang ayoko ng bumalik sa panahon ko. Gusto ko nasa piling mo lang ako habang buhay. Ikaw kasi ang nagkulay sa mundo ko, ikaw ang nagpuno ng pagkukulang, at ikaw ang nagbigay ng pagmamahal na matagal ko ng hinahanap. Nakakatawa nga at kailangan ko pang makabalik sa nakaraan, para mahanap lang iyon. Kung sino man ang nagdala sa akin dito, masaya ako. Nagpapasalamat ako sa kanya ng marami, kasi dahil sa kanya nakilala kita Clara, kahit mabalik man ako sa panahon ko. Tandaan mo ha? Mahal kita kahit milyong taon o dekada ang nasa pagitan natin. Hindi nito malalampasan ang pagmamahal ko sayo, tingnan mo naman galing kasalukuyan hanggang dito sa nakaraan ang pagmahahal ko." Sabi ko naman sa kanya habang hinahawakan ang kanyang malambot na kamay.
"Masakit sa akin Kael kung babalik ka talaga sa panahon mo, pero wala na tayong magagawa kung mangyayari man iyon. Kailangan nalang nating tanggapin. Ang hiling ko lang, kahit na magkalayo tayo,Sana magkita pa tayo sa tamang panahon, alam kong hindi na tayo magkaparehas ng edad nun kasi alam ko ako ang mas matanda sa ating dalawa hahaha. Pero kahit ganon, wag mo akong kalimutan ha? Mamahalin mo pa din ako, kahit kulubot na ang balat ko" Sabi niya habang nakatitig sa aking mga mata.
"Oo naman, kahit anong itsura mo. Mamahalin kita Clara, kaya nga ang puso nasa loob kasi pag nagmahal ka. Minahal mo ang tao at nahulog ka dahil sa kanyang kanyang kalooban at hindi sa panlabas." Nakangiti kong tugon sa kanya.
"Pangako yan Kael ha? Kahit ano mang mangyari itong pagmamahalan natin ay hinding hindi mawawala kahit na magkalayo man tayo sa isa't isa. Kahit na hindi tayo parehas ng taon, panahon at oras. Mahal kita at wala yang katapusan." Huling sabi sa akin ni Clara, bago tumakbo papunta doon sa mga batang naglalaro.
Sana Clara, mas magtagal pa ako dito sa panahon niyo. Pero nararamdaman ko na kasi eh, na malapit nakong bumalik sa panahon ko. At hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang lahat na pwedeng mangyari, hindi ko kakayanin na maiiwan kita dito. Pero isa lang ang mahahabilin ko sa iyo, ang aking pagmamahal na hindi masukat kahit ng Orasan. Tanging hiling ko, kung sino ka mang nagdala sa akin dito, sana ako'y iyong bigyan ng konting pagkakataon para makapiling si Clara at mahanda ko ang aming mga sarili sa aming nakatakdang pagkakahiway ng landas.

BINABASA MO ANG
Counter Clockwise
FantasyPanimula Ang nakaraan at ang kasalukuyan. Malaki ang kanilang agwat sa panahon at oras. Maraming mga larawan ang naglilitawan na pwede nating tingnan para alalahanin ang nakaraan. Maraming pagkakataon ang mangyayari na pwedeng maka paalala sa atin...