"Sa aking paghakbang. Sana'y ikaw ay akin ng makita at makilala. Hindi na ako maghihintay pa na ikaw ang dadating ako na ang kusang susundo sayo"
Panibagong araw na naman ito. Bagong hakbang, bagong sukat at bagong Ikot ng orasan natin dito sa mundo. Sa mga nakalipas na araw, may nararamdaman akong kakaiba. May napapaginipan akong babaeng nagdurusa at nanghihingi sa akin ng tulong na siya'y sagipin. Ilang ulit na itong pagbalik balik sa aking pagtulog bawat gabi, ilang ulit ko naring sinubukan na siya'y tulungan pero sa oras na malapit na ang aking kamay sa kanya. Bigla nalang siyang mawawala.
At ang librong ilang araw ko ng binabasa, hanggang ngayon hindi ko parin matapos tapos. Araw araw parang may bagong pahina na nadadagdag dito. Parang ayaw nitong tigilan ko ang aking pagbabasa sa kanya.
[Alas-nuebe ng Gabi]
Matutulog na sana ako nung bigla nalang pumasok sa aking isipan ang libro. Parang may tumutulak sa akin na basahin siya. Kaya tumayo ako at kinuha ang libro na nasa lamesa lang katabi ng kama ko ng biglang nakaramdam ako ng pagkahilo at pagkatapos non, Kadiliman ang sumakop sa akin. -Kael
[Nakaraan]
Hating gabi na dito sa amin, patay na lahat ng ilaw sa buong bahay. Tanging sa kwarto ko nalang ang nag iisang buhay na ilaw dito. Patuloy parin akong nagbabasa sa librong sinimulan kong basahin ng bumisita dito si Dominador.
Nang biglang lumakas ang hangin, kaya napag pasyahan kong isirado nalang ang mga bintana at baka uulan pa ngayong gabi. Pagkatapos kong isirado, biglag nag patay sindi ang ilaw, nakaramdam ako ng Hilo at sinakop na akong kadiliman. -Clara
BINABASA MO ANG
Counter Clockwise
FantasyPanimula Ang nakaraan at ang kasalukuyan. Malaki ang kanilang agwat sa panahon at oras. Maraming mga larawan ang naglilitawan na pwede nating tingnan para alalahanin ang nakaraan. Maraming pagkakataon ang mangyayari na pwedeng maka paalala sa atin...