CHAPTER 34- The Beginning of the End

674K 6.2K 1.2K
                                    

CHAPTER 34- The Beginning of the End

BRYLE's POV

Tingnan mo tong si Nami, pasaway talaga! Hindi na naman sumusunod sa rules ko! Nambbwisit na naman to! Aba, ni hindi man lang tumawag sa akin kaninang umaga. Hindi parin natawag sakin ngayon na gabi na! Haaay! Asar!

Ilang oras pa akong naghintay ng tawag nya kaso wala parin! Inabot na ako ng madaling araw sa paghihintay pero wala parin! Kaya naman syempre tinawagan ko na sya. Hindi ako mapapakali kung lilipas ang isang araw na hindi ko naririnig ang boses nya.

Matagal na nagriring yung phone pero hindi parin nya sinasagot. Kadalasan naman kasi kahit nakatulog man sya, magigising yan sa ingay nung ring tone na naka assign pag tumatawag ako pero ngayon..

Shet nagsisimula na akong mag alala, puntahan ko kaya sya ngayon dun? Pero madaling araw na! Eh pero.. haay!

Tawagan ko kaya muna yung best friend ni Nami? Sige tatawagan ko na lang pala. Nung pagtawag ko aw, oo nga pala, sabi ni Nami lageng naka off ang cellphone nun dahil ayaw makausap si Third! Letche naman oh! Sige na nga pupunta akong Tagaytay ngayon!

Magbibihis na sana ako ng biglang nag ring yung phone ko.. at ng makita kong si Nami yung tumatawag syempre agad kong sinagot.

AKO: HOY BABAE BAKIT NGAYON KA LANG TUMAWAG HUH?!

NAMI: GRABE, KAILANGAN TALAGA NAKASIGAW?

AKO: ANUNG GUSTO MO SWEET NA BOSES ANG GAMITIN KO? EH MAGDAMAG MO KONG PINAGHINTAY NG TAWAG MO AH?

NAMI: KAHIT NAMAN HINDI KITA MAGDAMAG PINAGHINTAY NG TAWAG HINDI PARIN MAGIGING SWEET YANG BOSES M--

AKO: HEH! EH BAKIT KASI NGAYON KA LANG TUMAWAG HUH? KANINA PA KITA TINATAWAGAN AH?

NAMI: EH KASI PO TUMAE AKO. NAIWAN KO YUNG CP KO SA KAMA. ALANGAN NAMANG HINDI KO TAPUSIN YUNG PAGTAE KO DIBA?

AKO: TSK! EH BAKIT HINDI KA TUMAWAG SAKIN KANINANG UMAGA?

NAMI: TINANGHALE AKO NG GISING KAYA NAGMAMADALI AKO PAPUNTANG HOTEL KASI MALELATE AKO SA OJT KAYA DI NA AKO NAKATAWAG SAYO. OK NA?

AKO: NI HINDI KA MAN LANG MAGSOSORRY?

NAMI: SORRY NA NGA, SABI KO NGA.

AKO: TSK. BUKAS SUSUNDUIN KITA DYAN HUH? SABI NI AUNTIE KAILANGAN MAY REGALO DAW TAYO DUN SA KABET MO!

NAMI: DI KO SYA SABI KABET! PINSAN MO SYA!

AKO: PINSAN KO NGA, NA KABET MO.

NAMI: HAAAY! HINDI NA NGA AKO MAKIKIPAGTALO! TAWAG KA NA LANG ULIT KUNG ANUNG ORAS MO KO SUSUNDUIN, KITA NA LANG TAYO BUKAS, GOOD NIGHT BRYLE.

AKO: GEH GOODNIGHT.

At inend call ko na. Buti naman at hindi ko na kailangan pang pumunta sa Tagaytay yung babaeng yun talaga. Bakit parang wala ata sya sa mood? Hindi na nakipagtalo pa sakin? Meron ba yun ngayon? O kulang sa tulog? Ah ewan, basta kailangan ko naring matulog dahil susurpresahin ko sya bukas. Pupunta ako ng maaga dun sa condo nya bago pa sya magising tapos ipagluluto ko sya ng fried rice! Marunong na akong magluto ng fried rice kahapon lang! Wahaha! Walang sinabi yung pancake nung unanong kabet ni Nami dito! Akala nya papatalo ako sa kanya! Tch

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

NASH's POV

Madaling araw na pero hindi parin ako makatulog. Hays. Ang daming nangyari kahapon na hanggang ngayon lutang parin ang isip ko. Pakiramdam ko kasi ang dami ko ng kasalanan kay Bryle at nagi guilty talaga ako. Ngayon nadagdagan pa yung kasalanan ko sa kanya dahil nagsinungaling ako sa kanya. Hindi ko sya tinawagan buong araw dahil gulong gulo pa ang isip ko. Hindi ko kasi malaman kung bakit ganito yung nararamdaman ko.. bakit ganito yung nararamdaman ko pag iniisip ko si Bryan Go? Kahapon nung kinwento pa nya yung ibang nangyari samin dati, talagang ang saya saya ko at hindi ko maipagkakailang ang saya ko kasama sya. The kind of hapiness I thought pag kasama ko lang si Bryle ko pwedeng maramdaman. Tapos kanina nung hindi ko sya nakita sa hotel, seriously, bakit? Bakit ko sya namimiss? Hindi to pwede! Pakiramdam ko pinagtataksilan ko si Bryle dahil sa nararamdaman kong to! Naiinis ako sa sarili ko!

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon