Hi Biancs! Since malapit ng matapos tong book, papayag ba naman akong hindi mag dedicate sayo? Hehe, kainspire ang mga oh so long comments mo and also for always being there. Sweet mo eh haha. Love you Biancs, kaya dedicated sayo tong chapter na to :) ~Yam
CHAPTER 48- GET BACK
NASH's POV
"Bye Nash!" -Seira, isa sa classmate ko dito sa all girls school na nilipatan ko
"Bye Seira, kita na lang ulit tayo sa pasukan." sabi ko sabay wave sa kanya, sumakay na sya dun sa sundo nyang kotse
Last day na namin ngayon sa school, January na ulit ang balik namin. Christmas vacation na kasi eh. Haay, magpapasko na at malapit narin ang birthday ko pero hindi ako naeexcite katulad ng mga kaklase ko. Kasi alam kong hanggang end of December nakatali parin ako sa kontrata namin ni Bryan Go, and who knows what will happen to me and Bryle after that? Gayong wala paring progress sa sakit ni Go, well meron na palang konti, nakaka lapit na ako kahit papano sa mukha nya ng mga sampung segundo, dati hindi eh. Umayaw na lang kaya ako sa kontrata at magmakakaawa na lang sa lolo ko gaya ng una kong plano? O di kaya naman tumakas na lang ako at---
*beep beep
Nagitla ako nung may bumusinang sasakyan sa tapat ko. Nandito na pala yung sundo ko. Binuksan ko na yung pinto ng kotse at sumakay na.
Habang nasa byahe hindi ko mapigilang mapa buntong hininga. Kung nandito lang sana si Bryle sa tabi ko, siguro excited na excited ako ngayon. Siguro namamasyal na kami sa mall, tumitingin ng mga pang regalo, namimili ng decors at siguro ina assemble na namin yung Christmas Tree sa condo.. Bakit pa kasi kailangan tong mangyari sa amin eh?
Dati pangarap ko talagang maging mayaman.. pero ngayon? Pinagsisisihan kong pinangarap ko pa yun.
"Ah mam, bakit po kanina pa kayo nagbubuntong hininga?" tanong nung driver ko
Gusto kong sabihin sa kanya lahat ng pinoproblema ko, pero kasali sa kontrata ko kay Bryan Go ang magpanggap kahit sa mismong tauhan sa bahay na masaya ako at in love ako kay Bryan Go kaya naman..
"Ah, pagod lang po siguro ako Manong."
"Ah ganun po ba Mam? Sige magpahinga na lang po kayo."
"Salamat sa concern Manong."
"Walang anu man po mam."
Wala na muling umimik pa samin.
Medyo naka idlip na ako. Nagising na lang ako dahil sa mga busina ng ibang sasakyan.
"Ma-manong bakit po tayo nakatigil?" tanong ko dun sa driver habang mumukat mukat pa
"Ah may nagbanggaan lang po Mam kaya medyo traffic."
"Ah.."
"Ah mam, hindi nyo po ba namimiss yung dati nyong driver?"
"Si Manong Eddie? Sa totoo lang miss na miss ko na sila ni Lolo Ber--" natigil ako ng pagsasalita.. Paano nyang, paano nya..
"Pa-paano nyo nalaman na close kami nung dati kong driver? And more importantly, bakit mo tinatanong sakin yan gayong alam mong--"
"Ako ang dapat nagtatanong sayo ngayon mam. Akala ko ba wala kang matandaan na kahit anu mula nung 9 years old ka pataas? Bakit kilala mo si Manong Eddie? At pati ang lolo ko?" nanlaki na lang ang mata ko nung mabosesan ko na sya..
"B-Bryle? I-ikaw ba yan Bry--"
"Wag mo kong sagutin ng isa pang tanong! Sagutin mo muna yung tanong ko! Paano mo natandaan si Manong Eddie at si Tanda? Edi ba sabi mo wala kang maalala?! Sumagot ka Nami! "
BINABASA MO ANG
[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIEND
RomanceCOMPLETED I NO SOFT COPY I Book two ng Girlfriend for Hire ^__^