CHAPTER 50- And this LOVE hurts..

669K 7.5K 1.9K
                                    

CHAPTER 50- And this LOVE hurts..

NASH's POV

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko na nasa may tabi ng unan ko. Nag alarm kasi ako ng 12 am para mabati ko kaagad si Bryle. Pag Pasko kasi, naka ugalian na naming gumising ng 12 am ng magkasama. Ngayon, kahit hindi kami magkasama, napagkasunduan naming gigising parin kami ng 12 am at magbabatian.

Magtatype palang ako sa cellphone ko para itxt si Bryle pero bigla ng nag ring yung phone ko, tumatawag na sya. Sinagot ko naman yun agad, wala pa naman sigurong makakarinig sa akin, sarado naman yung pinto at tulog parin siguro yung mga maids.

AKO: OH HELLO?

BRYLE: GISING KA NA?

AKO: HINDI BRYLE, TULOG PA AKO AT TULOG KA RIN. NAG UUSAP TAYO SA PANAGINIP.

BRYLE: GAGO! PILOSOPO!

AKO: HAHAHA. HOY WAG KANG MAG MURA. PASKONG PASKO NAGMUMURA KA, HINDI KA BIBIGYAN NG REGALO NI SANTA CLAUS SIGE KA.

BRYLE: HINDI NYA TALAGA AKO BIBIGYAN KASI HINDI NAMAN AKO HUMINGI SA KANYA IN THE FIRST PLACE.

AKO: HINDI KA HUMINGI KASI ALAM MO NG HINDI KA BIBIGYAN.

BRYLE: HINDI AKO HUMINGI KASI ALAM KONG HINDI NYA KAYANG IBIGAY YUNG GUSTO KO.

AKO: ANU BANG GUSTO MO?

BRYLE: YAKAP AT HALIK MO, IKAW.

Napa pause naman ako dahil sa sinabi nya. Ito na naman po ang mga banat ni Bryle Caleb Stanford. Minsan lang bumanat yan pero wag ka, once bumanat yan hindi talaga pwedeng hindi ka mapapangiti ng wagas na may kasamang kilig. Pero as usual, dahil pang asar ako, ito ang sinabi ko..

AKO: AH OK. CHANGE TOPIC!

BRYLE: BWISIT KA TALAGA NAMI! MAGING SWEET KA NAMAN MINSAN! PASKO NAMAN EH, BWISIT!

AKO: YUN NA NGA EH, PASKO TAPOS MINUMURA MO AKO, MAGING SWEET KA NAMAN BRYLE!

BRYLE: GAGO KA, KAYA AKO NAGMUMURA DAHIL SAYO! KUNG ANU ANU LAGE ANG SINASABI MO SAKIN DYANG GAG--

AKO: I LOVE YOU, KAHIT MINUMURA MO AKO.

Natigil sya pagkasabi ko nun.. tapos..

BRYLE: I- I LOVE YOU TOO, KAHIT GAGO KANG KAUSAP.

Napatawa na lang ako ng konti sa sagot nya. Hay, abnormal talaga ang usapan namin kahit kailan.

AKO: MERRY CHRISTMAS BRYLE.

BRYLE: HINDI PA MERRY, WALA KA PA SA TABI KO EH. CHRISTMAS NA LANG MUNA NAMI. MAMAYA NA YUNG MAY KASAMANG MERRY PAG MAGKASAMA NA TAYO.

AKO: OK.. CHRISTMAS BRYLE.

BRYLE: OK, MAG NONOCHE BUENA NA KAMI DITO SA MANSION, MAMAYA NA LANG GABI.

AKO: OK, MAGNONOCHE BUENA NARIN ATA DITO MAYA MAYA, SEE YOU TONIGHT.

BRYLE: REGALO KO HUH?

AKO: OO NAKABALOT NA.

BRYLE: WEH? SO NAKABALOT NA YUNG KATAWAN MO?

AKO: HUH? BAKIT NAMAN NASALI YUNG KATAWAN KO?

BRYLE: KATAWAN MO ANG GUSTO KONG IREGALO MO SAKIN MAMAYA EH.

AKO: BA-BASTOS KA TALAGA!

BRYLE: HAHAHA, JOKE LANG. PERO NAMI, HINDI TALAGA PW--

AKO: BRYLE!

BRYLE: HAHAHA!

Nagbabye na kami sa isa't isa pagtapos ng mga ilan pang round ng asaran. Sabi nya ibababa na nya yung phone pero hindi naman maibaba agad ng loko. Kung hindi pa ako kinatok ng isang maid sa kwarto hindi pa matitigil yung phone conversation namin ni Bryle.

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon