EPILOGUE <3 or </3 ?

837K 12.7K 8.3K
  • Dedicated kay To All GFFh-OHG READERS <3
                                    

EPILOGUE <3 or </3 ?

BRYLE's POV

DATE: JANUARY 11. ANG ARAW NA SANA NAWALA NA LANG SA KALENDARYO KO.

Umihip na naman ang malakas na hangin. Yun lang ang maririnig mo sa paligid. Sobrang tahimik, walang kahit sinong umiimik. Paano nga ba naman may iimik eh sementeryo to? Oo, nasa sementeryo ako. Naka upo sa puntod ng mama at papa ko. Hindi ko alam kung bakit sa dami ng lugar, dito ako dinala ng mga paa ko.

Nakaka inis lang kasi tumambay sa mansion o sa tambayan o sa bar nila Tommy, titingnan lang kasi ako ng mga tao dun na parang ako na ang pinaka nakaka awang tao sa mundo. Si Bryle Caleb Stanford titingnan nila ng ganun? Mga gago ba sila?!

Gusto ko silang sigawan at pagmumurahin tuwing bibigyan nila ako ng awang awang tingin, pero hindi ko magawa. Bakit? Kasi ako mismo, pag titingnan ko ang sarili ko sa salamin, ako mismo naaawa sa itsura ko eh. Nakakaloko lang diba? Bwisit!

Buti pa dito, walang manghuhusga sakin. Walang tangang magtatanong sakin kung ayos lang ba ako gayong obvious naman na p*tang *nang hindi! Buti pa dito, kahit umiyak ako ayos lang. Ang gusto ko lang naman yung may makinig sa akin, yun lang ang kailangan ko at hindi yung mga putapeteng advice nila na makakaya ko rin to at malalampasan ko rin to. Ang dali sa kanilang sabihin yun dahil hindi sa kanila nangyayari. Tangnang yan, subukan nilang lumagay sa kalagayan ko, ewan ko na lang kung maiintindihan pa nila ang ibig sabihin ng "magiging ayos lang ang lahat". Paano magiging ayos ang lahat, kung yung lahat lahat mo iniwan ka?

"Ugh! Bwisit!" sigaw ko sabay gulo sa buhok ko.

Pinakalma ko saglit yung sarili ko tapos tumingin na ako sa puntod nila mama at papa. Kailangan ko ng magsalita, baka mabaliw na ako kung kikimkimin ko lang lahat ng to sa loob ko.

"Hoy ma, pa! Long time no see, kahit hindi ko kayo nakikita. Gusto ko lang ng matinong kausap, puro mga nakakaloko yung mga nasa paligid ko eh. Nakikinig naman kayo ngayon sakin diba? Umoo kayo!"

Bumuntong hininga ako tapos nagtuloy na ulit sa pagsasalita.

"Ma, pa.. tanda nyo pa ba yung hindi kagandahang babae na dinala ko dito dati? Yung bobong babaeng kahit sa harap nyo tinatrashtalk ako? Yung walang modong babaeng yun, tanda nyo pa? Tarantado yung babaeng yun ma, pa.. iniwan ako? haha! Iniwan nya din ako! Sa gwapo kong to iniwan pa ako? Ang tanga lang nya no? Hahahaha. *sniff Pasensya na kung umiiyak ako, di ako nababading huh, napuwing lang ako. Mahangin dito eh." nag pause ako saglit para punasan yung luha ko.

"Ma, pa.. gwapo naman ako diba? Kahit hindi kayo sumagot alam kong gwapo ako. Gwapo ako, mayaman, lahat lahat ng hinahanap ng isang babae sa isang lalaki nasa akin na. Kaya bakit ganun? Bakit ganun ma, pa? Bakit lage parin akong iniiwan ng mga babaeng minamahal ko? Anu bang mali sakin? Masyado ba akong gwapo para sa kanila ganun? *sniff. Ang sakit ma at pa eh. Sobrang sakit. Bakit naman ganun? Bakit hindi pa nakuntento yung tadhanang nasaktan nya ako ng isang beses? Bakit inulit nya pa? Bakit naman ganun?" tumungo ako tapos huminga ng malalim. Pag pumipikit ako, nakikita ko si Nami. At sa tuwing matitigilan ako, bumabalik sa isip ko na sa mga oras na to, sa mga oras na to.. naghahanda na sya para ikasal sa iba.

Tumulo na lang ng tuloy tuloy yung luha ko habang naka yuko ako dun. Napansin ko kasing suot ko parin pala yung infinity ring na kapares nung binigay ko kay Nami nung Pasko. Pinagmasdan ko yun tapos unti unti kong tinanggal mula sa daliri ko. Itatapon ko na lang sana yun dahil sa galit na namumuo sa loob ko pero... pero hindi ko nagawa. Hanggang ngayon sobrang hirap parin bitawan ng kahit anung bagay na konektado kay Nami. Sobrang hirap bitawan.

Pinunasan ko ang mga luha ko at nilagay na lang sa bulsa yung singsing. Tapos tumunhay na ako tapos tumingin na ulit sa puntod ni ma at pa.

"Ma, pa.. sorry huh? Pinaasa ko na naman kayo. Pinaasa ko na naman kayong ikakasal ako, tapos hindi na naman natuloy. Akala ko kasi talaga yun na eh. Siguradong sigurado na ako sa kanya eh, kaso malas lang.. masyado akong naging kampante.. Hindi ko naisip na oo siguradong sigurado na ako sa kanya, pero sya.. haha.. sya hindi pala sigurado sakin. Gago yun eh *sniff.. nangakong hindi nya ako iiwan.. Nangakong hindi nya gagawin sakin yung ginawa ni Elida.. tapos ngayon.. ginawa naman nya. Pang asar talaga kahit kailan yung isang yun eh. Kahit saang anggulo mo tingnan, hindi na sya deserving diba? Hindi na sya deserving para sa pagmamahal ko. Hindi na."

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon