CHAPTER 49- FOR THE FIRST TIME

714K 7.1K 2.4K
                                    

CHAPTER 49- FOR THE FIRST TIME

NASH's POV

Nandito na ulit ako sa mansion nila Bryan Go. Madaling araw na ako umuwi dito, alas tres ng umaga ako sinundo ni Alice sa condo ko. Ayaw ko pa nga sanang umalis dahil gusto ko pang mas matagal na makasama si Bryle pero hindi talaga pwede.

Napag usapan namin ni Bryle nung gabi na alas tres nga ako susunduin na Alice kaya ayun, hindi pala natulog yung loko, pinagmasdan lang akong matulog hanggang alas tres ng madaling araw. Inihatid nya ako papunta sa kotse ni Alice and as usual binantaan nya si Alice pero hindi lang sya pinansin ni Alice, syempre may mga bilin na naman sakin si Bryle pero di ko na masyadong narinig dahil pinaharurot na ni Alice yung kotse.

Sa isang secret path ako idinaan ni Alice at tagumpay nya akong naipuslit sa loob ng mansion ng walang nakakakita sa amin. Kaya eto, walang kaalam alam yung mga tauhan sa bahay na wala ako dito kagabi.

"Miss Shana, ok na po ba ang pakiramdam nyo?" tanong nung isang maid sa akin nung makasalubong ko sya habang naglalakad ako sa hallway papunta sa dining room

"Ah.. O-oo ok na, wala na akong lagnat sa tingin ko." pinalabas nga pala ni Go na may sakit ako kagabi, muntik ko ng makalimutan

"Mabuti naman po kung ganun." - maid

Nginitian ko lang yung maid at nagtuloy na ako sa paglalakad.

Nung papasok na ako sa pinto ng dining room, nagkasabay kami ni Marian.

"Ah Marian, salamat nga pala." sabi ko kaya napatigil sya at humarap sa akin

"What for?"

"Alam mo na kung para saan."

"What ever tch." ayan lang ang sinagot nya tapos inirapan pa ako tapos lumakad na sya papunta sa dining table

Gusto ko sana syang tanungin kung bakit nya sinabi kay Bryle ang lahat gayong alam kong dahil crush nya si Bryle, mas may advantage sya kung ililihim na lang nya ang lahat. Pero hindi ko na sya tinanong, mukhang hindi rin naman sya sasagot.

Yung kambal na Sy, at si Marian lang ang kasama kong nag breakfast. Wala si Go at si Alice, tulog pa daw. Mukhang puyat pa si Alice dahil nga sa pagsundo nya sa akin, si Go, madalas naman na tanghali na yun gumising lalo na at wala namang pasok, Christmas Vacation nga kasi.

.

.

Ngayon nandito ako sa loob ng kwarto ni Go, anung ginagawa namin? Nagtititigan. Bakit kami nagtititigan? Ganto kasi ang routine namin ni Go almost everyday, magtititigan kami, palapit ng palapit hanggang sa kaya ni Go. Training namin to para nga sa pag gamot sa sakit ni Go. So far nakakalapit na ako sa kanya, pero not close enough para magkahalikan kami. Hanggang 10 seconds lang din nya kayang makipagtitigan sa ganung distansya, hindi pa kami lumalampas dun.

"Hindi ko na kaya Shana." sabi ni Go at tumungo na sya.

"7 seconds? Bakit bumaba pa? Nakakaya mo na ng 10 seconds dati ah?"

"Eh sa hindi ko na kaya eh! Magpahinga muna tayo."

"Ok.. pero teka Go, matanong ko lang, bakit pugto yang mata mo? Nag-iyak ka ba?" napatunhay sya bigla pagkasabi ko nun

"Na-nag iyak? A-ako? Haha. Ba-bakit naman ako mag iiyak? Wag ka nga Shana."

"Weh?"

"Hindi nga sabi! Nasobrahan lang ako sa tulog kaya ganito yung mata ko. Lumabas ka na nga ng kwarto, mamaya na ulit tayo mag training."

"Pero Go sayang yung oras, baka kaya mo pang--"

"Lumabas ka na sabi, wala ako sa mood."

"Tch, bahala ka nga." sabi ko na lang at lumabas na ako. Bakit ang sungit nun ngayon? Ah ewan, bakit nga ba ako nagtataka eh magka away naman kami sa totoo lang diba?

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon