CHAPTER 45- One Sided Love

652K 6.3K 1.4K
                                    

CHAPTER 45- One Sided Love

BRYLE's POV

Naglalakad na ako palabas ng hospital kung saan namin dinala si Go ng bigla kong makasalubong yung tatlong gago na takbong takbo palapit sa akin.

"Bryle?!" -Steve na parang gulat na gulat na makita ako

"Ako nga, bakit? Anung problema mo?" 

"Akala kasi namin Bryle, kung anu ng nangyari sayo eh, sabi mo kasi sa txt mo nasa hospital ka." -Third

"Pag nasa hospital dapat may nangyari na agad masama ganun?"

"Alangang may nangyaring maganda. Anu yun, may nangyaring maganda sayo tapos mahohospital ka?" -Tommy

Napatingin kaming tatlo nila Steve sa kanya.

"Nambabara ka na ngayon Tommy?" -ako

"May sapi ka na naman ba pre?" -Third

"Tatawagan ko na ba si Mang Kanor?" -Steve

"Relax, kung anu anu na namang iniisip nyo dyan. Tinatry ko lang mambara, nakaka miss na kasi yung barahan ni Nash at ni Bryle eh." pagkasabi nyan ni Tommy napatungo na lang ako at naglakad na

Miss na miss ko narin yun, yung barahan namin ni Nami. Kanina lang nung nasolo ko na sya, siguradong sigurado ako sa sarili ko na kahit anung mangyari hindi ako susuko hangga't hindi na iinlove ulit sakin si Nami pero ngayon..

"Hoy Bryle! Bryle kamusta na si Nash? Anu ng base? Tsaka teka, bakit nga ba nasa hospital ka kung di ka naman na aksidente?" -Steve, nasa likuran ko silang tatlo

"Hoy Bryle, sumagot ka." -Third

Hindi ko sila sinagot hanggang sa makasakay kami ng kotse ni Tommy.

Basa na nila ang ugali ko kaya hindi na nila ako kinulit pa buong byahe pero nung tumigil na kami sa harap ng mansion namin..

"Kaya ako nasa hospital dahil sinugod namin si Bryan Go dun, nawalan sya ng malay, inaapoy ng lagnat. Anu ng base kay Nami? Hindi ko narin alam." sabi ko sa kanila bago ako bumaba ng kotse

.

.

.

Nasa kwarto ko na ako ngayon, buti hindi na ako kinulit pa nung matanda. Medyo busy ata dun sa kompanya namin ngayon eh, madalang na lang kaming magkausap. 

Habang naka higa ako sa kama ko, iniisip ko kung anung hakbang ba ang dapat kong gawin kinabukasan. Kung hindi dumating si Bryan Go kanina, siguro ang plano ko, sumugod na lang ng sumugod.. pero pagkatapos ng nangyari kanina, mahirap man aminin, hindi ko man matanggap, pero ako, si Bryle Caleb Stanford, pinanghinaan bigla ng loob.

Ayokong sukuan si Nami pero natatakot ako sa kung anu pang posible ko pang makita. Ito yung unang beses na natakot talaga akong masaktan. Para bang natrauma ako sa nangyari kanina.

Yung pagsigaw sakin ni Nami ng malakas para sabihing dalhin ko si Go sa hospital, yung tingin nya sakin nun, pag bumabalik sa isip ko, ang sakit sa dibdib. Hindi ko akalaing mabibigyan nya ako ng ganung tingin. Nung nasa taxi kami, kahit katabi nya ako, pakiramdam ko ang layo layo nya sakin, pakiramdam ko isang mundo ang pagitan namin. At nung nandun na kami sa hospital, dun pinamukha sa akin ng tadhana na talagang nagkapalit na nga ang pwesto namin ni Go.. Si Go na ang mahal ni Nami ngayon at hindi ako.. 

*FLASHBACK

Pag dating namin sa hospital, nung maisakay na sa stretcher si Go, pupunasan ko sana yung ulo ni Nami na medyo nabasa na ng ulan, pero parang invisible ako sa paningin nya. Nilampasan nya lang ako at yung mata nya, fixated lang sa walang malay na si Go.

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon