Nagising ako sa mga kaluskos. May tatlong babaeng kinukuha lahat ng damit sa walk in closet. Nang hindi nila ako napansing nagising ay maingat kong inaabot ang bathrobe at tahimik nilapitan ang pintuan palabas ng kwarto. Nanginginig ang kamay ko na sinubukang buksan ang pintuan. Sarado parin. Shit!
"Good morning ma'am!"
"Ai ma'am!" Gulat na naibulalas ko. Nakangiting bati ng isang babae sa akin. I guess they are the hired help. Nakauniporme kasi ang mga ito.
"Loida!" Tawag sa kanya ng isang babae sa loob ng closet.
Nag excuse siya at lumapit doon. "Bakit?"
Napamulagat ako. Diyata't Filipina rin ang mga ito. Nabuhayan ako ng pag asa. Baka pwede nila akong tulungan.
"Filipina kayo?" Nakangiti kong tanong.
Nagulat sila ng tumingin sa akin.
"Ai Pilipina kayo rin ma'am?" Nakikita ko ang tuwa sa mata ng bumati sa akin.
"Hindi obvious na Pilipina kayo ma'am." Saad naman nung isa habang ung isa nilang kasama ay kitang ibang lahi kaya hindi naiintindihan ang usapan namin.
Mga kaedaran ko lang sila. Binili din ba sila ni Michael?
"Oo nga Ma'am hindi obvious na pinay kayo." Saad nung isa. Hindi talaga siya nagmumukhang Pilipina. Pure Japanese kasi ang nanay niya at 3/4 naman na espanyol ang tatay niya. Kaya naman sa tangkad niyang 5'9" at dahil na rin sa natural na brownish hair at sa kulay abong mata niya ay hindi talaga mapagkakamalang Pilipina ako.
"Oo nga eh. Buti may kababayan ako dito." saad ko. Humagikgik ung si Loida.
"Ai ma'am ako pala si Loida, si Sheenah at ito namang blondie na to ay si Mikah." Nakangiting pagpapakilala ng mga ito.
"Ako naman si Jane." Magaan ang loob na pagpapakilala ko. Mukhang mabait naman tong sina Loida. Baka pwede nila akong tulungan.
"Ai oo nga pala ma'am. Ipinadala pala sakin to ni Sir Thunder." Lumapit siya sa dresser at inabot ang isang folder.
"Kailangan mo daw basahin yan ma'am." Naalala ko na sinabi pala ni Michael na may ipapadala siyang kailangan kong isaulo. Uminit ang mata ko.
Hinawakan ko ang kamay bigla ni Loida.
"Loida, tulungan mo ako." Umiiyak na saad ko sa kanya.
Kita ko ang awa sa mata niya. Lalo akong napahagulhol ng wala siyang ibang reaksyon. Napaupo ako sa sahig at ibinuhos ang paninibugho ko sa nangyari sa buhay ko.
Naramdaman ang kamay na humagod sa likod ko.
"Ma'am pasensiya na pero na kay Sir Thunder po ang loyalty ko. Magkamatayan man po at kahit mali, sa kanya lang po kami susunod." Tumingin ako sa kanya na luhaan.
"Ayaw niyo bang umalis dito? Tara sama sama tayong lalabas." Panghihikayat ko. Ngumiti si Loida.
"Hindi kami bilanggo dito at sarili naming desisyon ang paglingkuran siya." Pinilit kong patahanin ang iyak ko.Nang makita nilang maayos ayos na ako ay kinuha nila ang mga bag sa walk-in closet.
"Sige ma'am. Alis na po kami. Kung may kailangan ka, dial niyo po ung 1 sa telepono." Ngumiti ako ng pilit sa kanila.
Lumabas silang 6 na malalaking bags ang dala. Anong laman ng mga yun? Tinakbo ko ang walk-in closet pero wala na siyang kalaman laman. Mga stockings lang at mga underwear lang ang natira.
Nanlumo ako. Wala akong maisusuot.
Nilapitan ko ang folder na binigay ni Loida.
It's official list of what he wants me to be.
5 Rules to Play my Game.
1. The slave should never attempt to free herself. ( Any attempt made would be punished by 50 whips.)
2. The slave can never ask for anything. The master will only provide her what he deems worthy.
3. The slave will call the master, my master. Will the slave try to call him by another name, the consequence will be served.
4. The slave will follow all his master's wish. A mistake will be corrected by 30 whips.
5. The slave will only have one master. She will follow him all her life and no freedom will be granted to her until the master will say so.
Naparalisa ang katawan ko sa mga rules na binigay. This is crazy! Wala na talaga akong kawala. I'm a slave for life kung hindi ako makakawala sa lugar na to.
Tinignan ko ang pangalawang pahina. It's a deed of sale for me. Walang hiyang Michael yun. Bakit kailangan niyang ipaalala sakin na binili niya ako? Damn him!
Tinapon ko ang papeles sa sahig. I need to get out of here.
Damn my dad! Siya ang may kasalanan ng lahat. Hindi ko alam na halos $30 million ang utang ng daddy ko sa exclusive club na kinabibilangan niya. At noong magpakamatay siya sa study room niya, gumawa pa siya ng kasulatan na ako ang pangbayad niya na para bang kagamitan lang ako. Sarili niyang anak! Kelan nga ba niya ako tinuring na anak? Dream on! I smiled bitterly.
Mula ng mamatay si mama. Ako ang sinisi niya. Namatay kasi ang mama ko sa panganganak. At dahil doon namuhi siya sa akin. Pero dahil bago namatay si mama, ibinilin niya ako sa walang silbi kong ama, napilitin siyang palakihin ako.
My life was perfect just a year ago. And now look at me? A fucking slave?
Nakita kong may nahulog na sticky note sa paanan ng kama ko.
Be ready at 12.
- your master.Tumaas ang balahibo ko ng maalala ko ang nangyari kagabi. Muntikan na niya akong makuha. At ako pa tong handang handa naman para sa kanya.
Kahit ayaw ko, tumutugon ang pesteng malanding katawan na ito sa kanya. Bakit noong stalker ko siya, nakita ko palang ang buhok niya ay tumataas na ang balahibo ko at sobrang nandidiri ako. Ngayon naman ay kung makapagtugon ako, arg! Nakakafrustate!
Lumapit ako sa bintana. Madaming mga security guards ang nagkalat sa paligid. Ang ganda ng hardin sa baba. Punong puno ng mga bulaklak.
Lumapit ako sa telepono at dinial ang number ni Yvette, ng polisya at kahit ang kung ano anong number pero ayaw makonnecta tulad ng inaasahan ko.
Pilit akong naghanap ng kahit anong butas na maari kong matakasan ngunit wala. Asan kaya kami? Nasa Europa pa rin ba kami? Doon kasi ako binenta.
Napakaganda talaga ng lugar na to. Kung hindi lamang ako bihag, maeenjoy kong tumira dito. Ganito na ba kayaman noon si Michael?
Iba na ang pangalan niya. Thunder Brattle. Anong nangyari? Ang pagkaka alam ko kasi ay working student siya noon. Pilit kong inaalala kung may iba pa akong alam na impormasyon sa kanya ngunit wala na.
Kinakainisan ko siya at kinakadirihan noon kaya hindi ko na siya kinilala.
Una ko siyang nakilala noong nasa high school pa lang ako. Noong kolehiyo naman ay kumukuha siya ng business ad. Yun lang ang alam ko sa kanya.
Sana kung naging mabait lang ako sa kanya noon. Kung sana hindi ako naging bitch sa kanya. Maraming sana.
(itutuloy)
.Dear readers,
LIBRE PO ANG VOTE AT COMMENT! Hihihi.
Thanks! Next chapters uli.
BINABASA MO ANG
MY MIDNIGHT VISITOR
RomanceThunder Brattle bought and paid for Justin Villegas. She's his slave and he can do everything he wants with her. And by everything, I mean everything! Babala: SPG For adult and open minded only.