Chapter 9

10.3K 138 58
                                    

Natapos ang party ng matiwasay. Umalis na ako ng party kaagad. After akong tanungin ni Zeke ng ganoon, nagkunwari pa rin ako na hindi ko alam ang sinasabi niya.

I excused myself and plopped myself in my bed.

Umalis naman na rin kinaumagahan ang karamihan sa mga bisita. Natira lang ay sina Zeke, James,  Pamela at Carolina.

Hindi din ako nakatulog ng maayos dahil sa kaiisip kung san natulog si Thunder at Pamela.

"Miss Jane." Nakita kong nakatayo si Marcus sa pintuan ko. Palabas na ako noon.

"Hi Marcus." Nakangiting saad ko.

"Sir Thunder is looking for you. He's in the library." Saad nito.

Napangiti ako sa sinabi niya. Tinakbo ko ang library.

I opened the door and saw Thunder sa table na may binabasang papeles.

"How's your sleep?" Tanong nitong hindi man lang ako tinignan.

"It's okay master." Nakangiting saad ko habang lumalapit sa kanya.

"Ready your things. We will go to the Philippines. " Saad ni Thunder.

Napamulagat ako. Going back home? I don't know how to feel.

"Yes master." saad ko.

Napatungo ako ng makita ko si Pamela na kasama naming papuntang Pilipinas. Pumasok ako kaagad sa private jet nang makita kong pati si Zeke ay kasama.

Nagkunwari akong natutulog kaagad. I can hear Thunder and Pamela laughing at the front. Nang may umupo sa harap ko ay lalo kong pinagbuti ang fake sleeping ko

"I know you're not asleep." Saad ni Zeke.

Hindi ko siya sinagot.

"You listen to me Jane. I know that you are not his assistant. Watch your back." Narinig kong saad niya

.....

(Philippines)

Pilit kong pinipigilan ang mga luha ko. Going back here was either the best thing or the worst thing.

Memories are flooding back.

Nang huminto ang sasakyan namin sa harap ng bahay namin ay tuluyang tumulo ang luha ko. Bakit nandito kami?

Bakit nandito kami sa bahay na ito? Dito nagsimula ang lahat.

Bumaba kaming tatlo. Si Thunder, Pamela at ako. Si Zeke ay umuwi sa kanyang condo.

"We're staying here." Walang ngiting usal ni Thunder.

Kinuha ko ang travelling bag ko at naunang pumasok. I never thought na makakapasok ulit ako sa bahay na ito.

Everything is just the way it was 2 years ago. Walang pinagbago.

Tinakbo ko kaagad ang kusina. Napaluha ako ng makita ko ang likod ng isang tao sa kusina.

"Yaya Nelia?" Nanginginig ang boses na anas ko.

Lumingon ito kaagad. "Justine!" Tinakbo namin ang isa't isa at nagyakapan.

She's been my yaya ever since I was a baby. In a way, mas naging magulang siya sa akin kesa sa daddy ko.

"Oh my God Justine. Antagal na kitang hindi nakita. Kumusta ka na anak?" Umiiyak na usal ni yaya.

"Yaya I miss you so much. " Umiiyak din na saad ko.

"Yaya Nelia." Narinig naming tawag ni Thunder sa pintuan. Pinunasan ko ang luha ko at luha ni yaya Nelia.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY MIDNIGHT VISITORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon