Nakaupo ako ngayon sa sitting area ng kwarto ko. Nagising ako kanina na may nakalagay na damit sa paanan ng kama at note.
Breakfast at 8.
-Your masterNapatingin ako sa pintuan ng makita kong bumukas. Lumakas ang kaba ko sa dibdib.
"Hi ma'am Jane! Good morning! Handa ka na ba?" Nakangiting bati sakin ni Loida. Nginitian ko rin siya.
"Good morning din. Saan ba ang breakfast?" Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Wow ma'am ang ganda niyo naman." Humahangang saad nito. Nakasuot ako ng white tube summer dress na hanggang tuhod ang haba.
"Thank you." saad kong namumula.
"Tara na ma'am. Naghihintay na si sir Thunder sa labas." Iginaya niya ako palabas ng kwarto. Lumikot kaagad ang mata ko. Eto ang pangalawang beses kong makaapak sa labas ng kwarto.
It's a long hallway na sa dulo ay two door way papuntang balcony. May isang cctv sa harap ng kwarto ko at meron ding isa sa palabas ng balcony.
Naglakad kami papunta ng elevator sa kabilang direksyon. Madaming mga pinto at hallways pag kanan namin. Mukhang maliligaw ako pag tumakas akong di alam ang pupuntahan.
"Gaano kalaki itong The Thunder?" Tanong ko kay Loida na siyang nauuna sa paglalakad.
"Hay naku ma'am. Kung plano mong tumakas ng hindi pa memorized ang pasikot sikot dito, wag na." Natatawang saad nito. Namula ako sa tinuran nito. Madaming cctv ang nagkalat sa mga hallways.
"Matagal mo ng kilala si Thunder?" Tanong ko ng sa wakas ay nakita kong malapit na kami sa elevator.
"Hindi naman masyado. Mga 5 years na siguro." Nakangiting saad nito. Pumasok na kami ng elevator. Pinindot nito ang ground floor.
"Saan mo naman siya nakilala?" Tanong ko habang inaayos ang sarili ko sa salamin sa loob ng elevator. Nawala na ang dark under eyes ko sa mata.
"Noong nasa Pilipinas palang ako." Nakangiting saad nito. Hmmm. So that means wala kami sa Pilipinas.
"Nasa Europa ba tayo?" Hindi niya ako sinagot at lumabas na kami ng elevator.
Napamangha ulit ako sa ganda ng mansyon na ito. Naglakad ito papasok ng isang open door. Napanganga ako sa ganda ng isang sitting room na pinasukan namin. Puro bintana ang kwarto at pumapasok ang sikat ng araw at hindi matatawaran ang ganda ng hardin sa labas. Dumeretso si Loida sa nakabukas na French doors.
Sumunod ako at hindi napigilang umamoy ng isang rosas. My God! Ang ganda ng bahay na to.
"Ma'am doon po." Nakangiting turo sakin ni Loida. May nakahiwalay na puting kiosk sa gitna ng hardin. Namangha ako kasi floating kiosk pala siya. May isang maliit na pond na punong puno ng karp.
Naglakad ako sa bridge papunta kay Thunder. Nakatalikod ito sa akin habang nagbabasa ng kung ano sa tab nito. Huminga ako ng malalim.
"Goodmorning my master." Nakatungong saad ko.
Tumayo naman siya at pinaghila ako ng upuan. May pagka gentleman naman pala ito. Nang umupo ito sa kabila ay napalunok ako.
Naka salamin ito at bagay na bagay niya. Nagmukha siyang mas mature. Nakasuot siya ng casual t shirt na bakat na bakat sa malalaking braso nito at chest. Napalunok ako ng maalala ko kung paano ko himashimasin ang katawan niya kagabi.
"Eat." Napatingin ako sa mga pagkain sa harap namin. May iba't ibang klase ng tinapay, palaman, bacon, salad at may tea rin. Ayaw ko sanang magreklamo pero dinadiet na nila ako matagal ng mga ganitong Eastern foods. Laking Pinas ako kaya gusto ko sanang matikman ulit ang kanin. Tahimik kong inabot ang salad at sandwiches.

BINABASA MO ANG
MY MIDNIGHT VISITOR
RomanceThunder Brattle bought and paid for Justin Villegas. She's his slave and he can do everything he wants with her. And by everything, I mean everything! Babala: SPG For adult and open minded only.