백현 Baekhyun's POV
Napatayo agad ako dahil sa narinig ko. Si Chanyeol, gising na. Gising na sya. Kinkabahan ako na ewan. Dahil wala pa ang nanay ni Chanyeol na tumatawag sa doktor, nagdire-diretso ako papasok sa kwarto nya. Nagpaalam ako kay Seungcheol at sumang-ayon naman sya.
Pagkapasok ko sa loob, nakatingin lang sa akin si Chanyeol. Yung tingin na kakabahan ka na. Yun kasi ang nararamdaman ko ngayon eh.
"Chanyeol." Tinawag ko ang pangalan nya pero nakatingin lang talaga sya sa akin. Hindi ko alam kung naririnig ba nya ako o ano basta nakatingin lang sya.
Maya-maya dumating na ang nanay ni Chanyeol kasama ang doktor. Nilapitan nya si Chanyeol at may kung ano-ano pang ininspeksyon. Habang pinapanuod ko ang ginagawa ng doktor, may napansin ako sa peripheral vision ko na may tumayo. Nung nilingon ko, si Kyungsoo pala. Oo nga pala, sa aming dalawa, sya lang ang pinayagan ni nanay na makapasok dito. Inaantay ko nga na palabasin ako ni nanay pero mukhang busy-ng busy na sya kay Chanyeol.
"We still have to monitor his condition but for now, please don't stress him." Saka umalis ang doktor.
"Chanyeol ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Sabihin mo lang kay nanay kung may nararamdaman kang iba ha." Aligagang tanong ni nanay kay Chanyeol pero hindi man lang sya sinagot nito.
At sa sitwasyong yun, biglang napaiyak si nanay kasi sa itsura pa lang ni Chanyeol, alam na namin ang sagot.
Hindi ko na rin nakayanan pang pigilan ang mga luha ko na pumatak. Kusa silang lumalabas na akala mo wala ng bukas. Minsan napapaisip na rin ako kung ako ba talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito, na ako ang dahilan kung bakit nasa ganitong sitwasyon si Chanyeol. Siguro nga, ako talaga ang dapat sisihin dito.
"Nay naman bakit ka umiiyak? Di nga kita pinapadapo sa lamok tas iiyakan mo ko ng ganyan." Napatingin kami lahat kay Chanyeol kasi bigla na lang syang nagsalita. Ganito yung feeling na unang beses mong nasaksihang umimik ang isang bata. Nagkaroon na rin ako ng tiwala na ayos lang si Chanyeol. Gusto ko na nga siyang pagsusuntok-suntukin eh kasi pinakaba nya ako. Akala ko kung ano na talaga nangyari sa kanya. Minsan si Chanyeol, ang hirap na ding paniwalaan, di mo kasi alam kung nagbibiro pa ba o ano. Hays. Pero sa ngayon, masaya ako kasi maayos na sya. Na okay na sya. Okay na rin ako. Parang tinik na natanggal sa dibdib ko. Yung ganung feeling. Hoooh.
Nakita kong nagpahid ng luha si nanay at halatang halatang hindi sya makapaniwala sa naririnig nya.
"A-anak? Ayos ka lang talaga?" Tanong ni nanay. Mejo natagalan sa pagsagot si Chanyeol pero sinabi naman nyang okay lang sya. Di ko nga alam kung bakit pero bigla akong napatakbo papunta kay Chanyeol saka sya niyakap ng sobrang higpit.
"Baekhyun." Tawag nya sa pangalan ko na lalo pang nagpaiyak sa akin. Hagulgol lang ako ng hagulgol, ni hindi ko na rin iniisip kung ano ang gagawin ni nanay basta ako, yayakapin ko lang si Chanyeol hanggang sa magsawa na rin ako. Naramdaman kong hinahaplos nya ang buhok ko. Grabe ang sarap. Ang sarap sa pakiramdam kapag kapiling ko sya, si Chanyeol.
Mga ilang minuto din akong nakayakap sa kanya bago ako kumalas kasi may gusto daw syang sabihin sa doktor. Na-curious naman agad ako sa sasabihin ni Chanyeol kaya umupo ako sa may tabi, gusto ko kasi talagang marinig eh. Uupo pa lang ako, nakatingin na agad sa akin si Chanyeol na sinasabing bakit pa ako nandito, dapat ay lumabas ako. Nainis naman ako kasi ako lang yung pinapalabas nya eh tatlo kaming nasa kwarto. Wala na rin naman akong nagawa kundi ang lumabas. Naku, magaling na nga si Chanyeol, kita mo at pinagkakaisahan nila ako. Nung nakalabas na ako, di ko na naabutan si Seungcheol, baka umalis na o baka nasa kwarto ni Jeonghan. Ewan, bahala pa sila.
BINABASA MO ANG
That Crazy Mistake [ChanBaek FF]
RandomIt started with a MISTAKE. But if LOVING HIM is just another MISTAKE, are you willing to accept it or not? ChanBaekl Love story by: kpop_eonnie Book Cover by: DonPerpekto Date Started: 141229 Date Finished: ---