♔Crazy 4♚

989 58 21
                                    

찬열 Chanyeol's POV

*pak pak*

(Sorry na daw sa effects, tadyak yan wag kayo magulo. Miyak)

Aray ko. Sino ba yung nananadyak? Ansakit kaya. Shit baka si Boss. Sa pag aakaalang si Boss yun, nagising ako agad.

"Hay salamat at nagising ka na, kundi ka pa kasi nagising kakagatin na sana kita on the second thought, ayoko pala, di ako aso no. Diyosa ako!" (Ulit-ulit si Baek, sige na Diyosa na kung Diyosa)

"Eh bakit ka ba kasi nanggigising kita mong natutulog yung tao oh."

"Di ka tao, yoda ka." Bulong nya pero di ko narinig, mahina eh.

"Anong sabi mo?"

"Wala! Pakawalan mo na ko." Confident nyang hinarap sakin yung kamay nyang nakatali. Mukha nya.

"Bakit ko naman gagawin yun?"

"Hello?  Di mo ba narinig yung utos ng boss mo kagabi? Ha?! Kaya pakawalan mo na ko!"

"Shit! Oo nga!"

Tumingin ako sa kanya at yung mukha nya confident na confident na pakakawalan ko sya. Mukha nya.

"Kaya pakawalan mo na ko."

"Ayoko nga."

"ARAY." Aba at walang hiya, sinipa pa ko.

"Pag di mo ko pinakawalan, pareho tayong malalagot sa boss mo dahil di mo pa ko napapatay."

Aish. Bakit ba ang hirap ng pinapagawa ni boss. Sinabihan ko na sya kagabi na maawa naman sya dun sa bihag, pero walang talab. Bakal ang puso, walang awa. Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Anong gagawin ko?

"Kelangang mawala ka na." Nakita ko namang may namumuo nang luha sa mata nya. Shit! Shit! Wag ka namang umiyak.

"So papatayin mo talaga ako?"

"Oo." Diretsong sagot ko.

"Kaya mo? Kaya mong pumatay ng tao?" May pagkamahinahon na yung boses nya ngayon di tulad ng dati na nakakairita. Ano ba yan, kinokonsensya naman nya ako masyado.

"Oo kaya ko." Kinuha ko yung baril pero nagulat ako nung bigla nyang hawakan yung kamay kong may hawak na baril.

"Alam kong hindi mo kaya dahil mabait kang tao. Alam kong mabait ka. Please naman nagmamakaawa na ako sayo oh."

"Aishhhh!" Napasabunot ako sa buhok ko. Tama sya, di ko kayang pumatay ng tao.

"Bilisan mo na naririnig ko na yung mga yabag nila.!"

Parehas kaming nataranta dahil palapit na ng palapit yung mga hakbang nila.

"Oh boss ikaw pala." Kinakabahan kong bati sa kanya.

"Asan na yung lalaki?"

"Wala na."

"Anong wala na?"

"Wala na patay na. Tinapon ko sa ilog yung bangkay. Walang makakaalam nun dahil sa malayo ang lugar na yun."

"Ayos! Maasahan ka naman pala eh."

Nakahinga na lang ako ng malalim nung nakaalis na sila. Binalikan ko yung lalaki dun sa pinagtaguan ko kanina sa kanya. Dapat makaalis na kami.

"Tara na."

Hinila ko sya at sumusunod lang sya sakin.

"Teka nga sandali, san mo ba ko dadalhin?" Tumigil sya saglit dahilan para mapatigil din ako.

"Ilalayo muna kita dito."

"Pwede bang hayaan mo na lang akong umuwi sa bahay ng mga Do. Promise di naman ako magsusumbong sa pulis eh."

"Di ko iaasa ang buhay ko sa Promise mo. Isa pa kapag ikaw bumalik dun sa mansion at binalikan nila yung tunay na anak ng mga Do, panigurado akong mahuhuli ka. Gusto mo ba talagang mamatay ha?"

Napatigil sya sa sinabi ko.

"O ano, iuuwi kita sa inyo o iuuwi kita sa inyo? Wala ka ng ibang choice. Ihahatid na kita sa inyo."

"Pwede bang wag na lang? Ano kasi eh."

"Wala ng paligoy ligoy pa. Tayo na sa inyo."

◆◇◆◇◆◇◆◇

Pagkarating namin sa tapat ng bahay nila, napapansin ko pa ring parang hindi sya mapakali. Ayaw nya atang umuwi sa sarili nilang bahay eh

"Pasok na. Pumasok ka na."

Paunti-unti syang humahakbang hanggang sa mapansin sya ng kapatid nya at niyakap sya

Dahil naihatid ko na sya at nasiguro ko ng nakauwi sya, umuwi na ko. Hayy. Mamimiss ko din tong lalaking to. Lalong lalo na yung kaingayan nya. Haha. Teka ano nga bang pangalan nya? Di ko man lang naalam.

_____________________

Aww. Magkakahiwalay na sina Baekhyun at Chanyeol. Sorry sa typos. Pasensya na, tao lang. /nag-Igorot Dance/ ╭(′▽‵)╭(′▽‵)╭(′▽‵)╯ Pasensya na ganto talaga ako. XD

XOXO,
^gelai^
150101
05:44 PM

That Crazy Mistake [ChanBaek FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon