백현Baekhyun's POV
Hinila ako ni Chanyeol hanggang sa nandun na kami sa may Entrance ng booth. Bago pa man kami makapasok ni Chanyeol sa loob, pinigilan ko sya. "Chanyeol, ano ba yang naiisip mo? Ako ang kinakabahan sa'yo eh." Sabi ko sa kanya ng nakakunot ang noo. Naku, Chanyeol mapapatay talaga kita pag-uwi natin. Akala ko naman kung anong dahilan nya kaya nya ako pinapunta dito. Kung alam ko lang talaga. o(^^o)
"Bakit ka naman kakabahan? Wala naman tayong gagawing masama ah. Di naman tayo magnanakaw at lalong hindi tayo papatay ng tao kaya kalma lang, okay?" Sabi nya sakin ng nakangiti. Yung ngiti na alam mong dapat ka ng kabahan. Jeske po Lord, sallyeojuseyo!
Kahit labag pa rin sa loob ko, hinila pa rin nya ako sa loob. Bale ang itsura kasi sa loob eh, may parang stage dun na tatayuan nyo malapit sa may mismong dulo ng booth. May nakatapat din na ilaw sa kanila para kapag nasa posisyon na sila ng pag-kiss, yung anino nila yung makikita dun sa tela na nakaharang sa tabi nila.
Nung kaninang pinapanuod ko yung mga couples na nandito, enjoy na enjoy pa ako, pero di ko naman ineexpect na dadating sa point na pati pala ako papasok dito. Kinakabahan tuloy ko ng bonggang bongga. Sinabihan na kami na pumunta na kami dun sa mini stage dahil marami pa daw ang nag-aantay. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Hindi naman to ang first kiss namin ni Chanyeol pero the fact na madami ang nanunuod sa labas, dun ako kinakabahan. Kung bakit ba naman kasi ang lakas-lakas ng topak ng lalaking ito. Grrr. Nanggigigil ako, sarap bunutin ng uban ng lalaking to. ≧﹏≦ Mag-aala El Gamma Penumbra kami dito eh tapos ang main high light, yung kiss. Emeged kinikilig ako. XD
"O ano? Tara na?" Ngiting ngiti nyang inilahad yung kamay nya sa harap ko pero binagsak ko lang yung kamay ko sa palad nya, nang sobrang lakas. Nauna na akong naglakad at narinig ko pa syang nag-aray. Buti nga sa kanya. Puro kalokohan ang alam. Pero deep inside, kilig na kilig na talaga ako. Isipin nyo ah, ang romantic kaya nun. Pinapakita ko lang sa kanya na naaasar ako, baka kasi sabihin enjoy na enjoy ako. Pwe!
Namalayan ko na lang na nasa tabi ko na sya. Umakbay pa nga sya nung nasa tabi na nya ako. Tsk!
"Anong style ba ang---"
"Sa cheeks lang ah." Putol ko sa sinasabi nya na nakapagkunot naman sa noo nya. Pffft laugh trip yung mukha nya."CHEEKS?! Seryoso ka ba?" Napalingon ako sa paligid kasi naman sumigaw sya pero yung mga kasama namin dito sa loob, tumatawa lang. Di ko naman alam kung rinig yung pinag-uusapan namin sa labas, pero sana naman hindi kasi nakakahiya. Meged!~
"Mukha bang nagbibiro ako, Chanyeol?" tanong ko sa kanya ng naka-poker face pero sa totoo lang gusto ko na talagang humalaklak kasi yung expression ng mukha nya, grabe priceless! *sabog confetti*
"Baekhyun naman eh." Napaawa na lang ako sa itsura nya. Aww wawa naman ang baby ko~~ HAHA.
"Sige tig-isa, left and right, happy?"
"Hindi ba pwedeng dito?" Turo nya sa lips. Gushto ko naman talaga eh, pepekipot leng eke. Ow em ang lendi ko. >3"Nga pala, may atraso ka pa sa akin." Napalunok ako sa sarili kong laway kasi parang ewan na yung kinikilos nya. Chanyeol wag dito enebe, madaming tao saka na lang sa bahay fles? Ano ba yan? Kung ano ano na ang naiisip ko. Erase. Erase.
"Anong atraso naman yun?" Nabigla ako nung hinapit nya ako sa bewang ko. OH MY GHAD!
"Tanda mo pa naman siguro yung sinabi mo sakin kagabi, diba?" Teka, alin sa mga sinabi ko? Madami yun. Maya-maya naramdaman kong kinawit nya yung paa nya sa binti ko at binigla nya itong itinaas dahilan para ma-out of balance ako at mapa-bend yung likod ko. Buti na lang at nakasuporta sya sa likod dahil kung hindi baka sumubsob na yung mukha ko sa sahig.
BINABASA MO ANG
That Crazy Mistake [ChanBaek FF]
De TodoIt started with a MISTAKE. But if LOVING HIM is just another MISTAKE, are you willing to accept it or not? ChanBaekl Love story by: kpop_eonnie Book Cover by: DonPerpekto Date Started: 141229 Date Finished: ---