0

788 21 2
                                    

"God, Abby slow down!"

"Slow down? Damn it!" sigaw ko at hinampas ang steering wheel.

"You know what kung bakit hanggang ngayon nasasaktan ka pa rin ha?" Nanunuya nyang tanong.

Tumahimik ako at binagalan ang pagpapaandar ng sasakyan. Bumuntong hininga sya at bahagyang humarap sa'kin. Ang tingin ko ay diretso sa harap kahit na nanlalabo na ang aking paningin dahil sa luhang kanina pang lumalabas mula sa aking mata.

"Abby, alam kong mahirap mag-move on pero you really need to, lalo na ngayon na..."

"No!" sigaw ko.

Paano? Kung hanggang ngayon ay sya pa rin. Na kahit anong gawin kong paglimot ay hindi pa rin sya mawala sa aking isipan. Na pilit ko mang 'wag siyang isipin at alalahanin ay di ko magawa. Bumabalik lahat ng aming pinagsamahan, lahat ng masasayang alaala at lahat ng hirap na aming pinagdaanan.

"No?" she asked sarcastically and laughed evilly. "Abby you need to accept it. It's been two years, masaya na sya."

"And I'm miserable," I almost whispered.

"No, you choose to be still miserable," pagtatama nya sa'kin. "Ayan ang hirap sayo, Abby. Ayaw mong buksan 'yang puso mo. You're still afraid of loving someone kasi iniisip mo agad na ano? That you still have a chance to be with him?"

Agad kong tinabi ang sasakyan at tinanggal ang seatbelt. Ayoko ng marinig ang susunod nyang sasabihin.

"Can you fucking shut up, Suzy? Just shut up!"

"See? Ayaw mong makinig. It's been 2 years, at sa loob ng dalawang taon wala kang ginawa kundi ang pahirapan 'yang sarili mo. Ikaw ang gumagawa ng bagay na alam mong makakasakit sayo."

"Bakit anong mali sa ginawa ko? That time, he needs to focus on his team. Anong mali doon? It's for his future!" sigaw ko at bumuhos muli ang panibagong luha sa aking mata.

"Oh tapos? After what you've done, what do you expect? You lied to him. Do you expect him to say at least he missed you and want you back?"

Walang tigil na bumuhos ang aking luha, it fucking hurts! Damn! Bumalik sa akin lahat ng nangyari sa araw na 'yon. Lahat ng kasinungalingan na sinabi ko sa kanya upang maniwala sya sa'kin, lahat ng masasakit na salitang ibinato ko sa kanya, lahat ng pagkukulang nya na isinumbat ko para itaboy sya.

How I broke, stubbed and crushed his heart even though he's begging not to. Kung paano ako umiwas ng tingin ng makitang lumandas ang kanyang luha sa kanyang mukha habang nagmamakaawa sya. He begged me to stay, to choose him, to love him back again and to be with him until the end. But I chose to break him.

Because it's the right thing to do.

"Of course not! I'm not that stupid," my voice broke.

Inis kong pinahid ang mga luhang lumalandas sa pisngi ko. Ilang beses kong iniyakan 'to, sya, at kahit ilang beses pa akong umiyak alam kong hindi na maibabalik ang dati.

"I'm sorry..."

"No," nahihirapan kong sambit. "Kasalanan ko, umasa ako, nag-expect ako na kahit lumipas man ang maraming taon ay akala ko'y ako pa rin," hirap na hirap kong sabi.

Tinapik nya ang balikat ko at hinarap ako sa kanya. She smiled and hugged me. I just nodded and keep in my mind that I need to go on in my life. And that means, without him.

"You can live without him."

Tumango ako kahit na di ko sigurado kung kaya ko. Even though I live seventeen years without him, in our five years of relationship, I'm still not used to it.

TriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon