Mabilis na lumipas ang tatlong araw, every time I visit Layne on her photoshoot or in her office, she's always busy na feeling ko mas marami pa syang ginagawa at pinoproblema kaysa sa akin.
Well, masaya ako na she's responsible and being dedicated to her work. Same with her team, they are doing their job fine.
I looked at the mirror in front of me, suot ang kulay green na may malaking logo ng isang cute na pug t-shirt na bigay ni Thomas sa akin mula sa Japan ay tinerno ko sa aking button up denim skirt. I also wear aesthetic fishnet stockings matched with my Chelsea boots.
Some may think that I over do, but I don't care. This is how I want to dress up for today.
Thomas texted me earlier that he can't fetch me dahil maaga ang call time nila and they have early practice before the game. Which is actually okay for me, hindi ko ugali ang magpahatid at magpasundo dahil marunong naman akong magdrive and I have my own car.
Saktong 3:30 pm akong nakarating sa arena. Even when Im parking my car ay rinig ko ang hiyaw at sigaw ng mga tao sa loob.
Tiningnan kong muli ang ticket na hawak ko, it's not even starting. Nakalagay dito na alas kwatro pa magsisimula and yet the fans are getting wild.
When I entered the arena, agad kinuha ang aking ticket at ibinalik muli sa akin. The guy which is I think the security, guide me where my assign seat was.
Huminto sya sa isang pinto na natatabunan ng kurtina.
"Dito po ang seat nyo ma'am, first row po kayo," nakangiti nyang sabi at tinuro ang loob.
I nodded and said thank you.
The crowd is almost full, halos lahat ay nakakulay green na damit. Sakto pala ang suot ko, I mean, I didn't wear this shirt to support the team of Thomas. I just want to wear this and nothing more.
I received a message from Thomas asking me where I am.
Ako:
I'm here na, wearing green shirt. Good luck baby boy!
Mabilis na tumunog ang phone ko.
Baby boy:
Good! Cheer for me ha!
Napangiti ako sa text nya, as if naman walang ibang magchecheer sa kanya eh full support din mga fans club nya.
Ilang sandali pa ay lumabas na ang kanilang team sabay sa kalaban nilang team. They warm up and practice shooting habang hindi pa nagsisimula.
Mula sa aking inuupuan ay kita ko ang nakakulay green na jersey na si Thomas. His hair is clean cut, he looked innocent and nice.
Agad sya tumingin sa banda ko at kumaway. I waved back and mouthed good luck.
Nabaling ang atensyon nya ng may nagpasa sa kanya ng bola, it's Franklin. Mabilis nya itong drinibble at shinoot.
Tumunog ang buzzer hudyat na magsisimula na ang laban. Napuno ng nakakabinging hiyawan at sigaw ang buong arena.
Kasama si Thomas sa first five na ipinasok upang maglaro.
BINABASA MO ANG
Tried
General FictionAbby Torres is having a hard time moving on from her past relationship. Then she met a guy who can make her believe in love again, but that guy is also bound to break her heart and everything.