34: Ironic

1.4K 45 8
                                    

Disclaimer: No JeMik for the meantime in this chapter. Gusto ko lang bawas-bawasan yung thrill ;)


***


ARA'S POV


It was an odd, sober day for me this morning in my 3-week old apartment. Kadalasan kasi gumigising ako ng may hangover dahil sa pag-iinom the night before. I don't tell my friends about this, especially Mika, kasi siguradong sesermonan lang ako ng mga nun. So, I just hide the pain and hurt to myself than add on to their burden.


If you were still wondering kahit ang obvious na, oo, hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa sakin ni Thomas. Hanggang ngayon I'm still stuck here, trying to figure out why he left me so sudden. Para bang dinaanan sya ng misteryosong lindol na nakapagbago ng isip nya tungkol sakin.


Pag-uwi ko ng bahay, aka pagkatapos kong magpanggap na okay ako sa mata ng ibang tao, yun ang iniisip ko for the rest of the night and somehow I find alcohol comforting whilst finding out how to solve this mystery. But I always end up drunk and nothing.


I didn't realize that it was already 5 minutes past 4 in the afternoon when I woke up. Ibang klase din ako noh kasi mas late akong gumigising pag di lasing. Agad akong naligo't nagbihis sabay inom ng kape na para bang ang aga aga pa. After my 'morning' routine, I went out to check my mailbox. I spotted two long envelopes and then made my way back inside to read them.


Dahil obvious na kuryente ang isa (sa envelope pa lang orange na), chineck ko ang isa na parang hindi ko madalas na narreceive sa mail.


My name was embossed on the back of the envelope in full gold and a cursive font. Dahil sa pagtataka, tuluyan ko nang binuksan ang cream white na envelope nang malaman ko agad ang nakasulat.


Greetings, Victonara Galang!

You are cordially invited to attend the wedding ceremony uniting Arra San Agustin and Thomas Christopher Torres on the 25th of August 2015...


Hindi ko na tinapos ang pagbabasa ni hindi ko nga namalayang humahagulgol na pala ako sa nabasa ko.


Kaya ba hiniwalayan nya ko kasi may iba na sya? At WOW HA, ikakasal na sila! So habang kami pa ni Thomas, nangangaliwa na sya? May number 2 ba sya na binibigyan din nya ng flowers pag bet nya o kaya naman dalawa kaming sinasabihan nya ng good night sa text gabi-gabi?


Ara: Pambihira kang Torres ka! At ang kapal pa ng mukha nyong dalawa na imbitahan ako sa kasal nyo ha?!


I buried my face into my pillows at umiyak ng umiyak ng umiyak ng umiyak hanggang napagod na ko. And then I realized...


He wasn't worth my million dollar tears.


At baka sign na rin toh sakin ng Diyos nga dapat na nga akong magmove on.


But I want to see him. I miss him. I miss him more than anything. I wanna smell his perfume, I wanna touch his always-messy hair, I wanna feel his presence once again. And I wanna see him smile. At alam kong ang kasal na ito ang magiging pinakamasayang araw nya.

Babysitters (a JeMik fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon