33: Waiting Game

1.7K 63 9
                                    

I'm back woot woot

***

Mika: S-sinong bata?


I started to tense nung sinabi nung babae na kukunin na nya ang anak nya. Hindi ko sya kilala. Hindi namin sya kilala. I couldn't trust her. But could it possibly be Mavie's... no. Hindi pwede. Hindi ko nalang ang gagawin ko.


Babae: Ang batang iniwan ko isang taon na ang makalipas. Yung anak ko...


Mika: *umiling* Baka nagkakamali lang po kayo—


Babae: Alalang alala ko pa po tong bahay nyo. Dito ko iniwan ang anak ko sa loob ng isang basket.


Ito na ang kinakatakutan ko. Binalikan na si Mavie ng tunay nyang ina. Pero bakit hindi ako masaya? Kasi sa isang buong taon kami ni Jeron ang nag-aalaga sa kanya. Andami naming tinaya para lang maalagaan ng maayos si Mavie. Kami na ang mga kinikilalang magulang nya.


Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong dugo na kumulo. I wasn't supposed to feel like this. I wasn't supposed to be selfish. Pero hindi tama ang ginagawa nya eh!


Mika: So pagkatapos ng isang taon, babawiin mo nalang ang bata ng ganun ganun? Anong tingin mo sa bahay namin? Daycare center kung kelan pwede mo nalang iwan ang anak mo tas susunduin mo kung kelan mo gusto?!


Jeron: Mika, anong nangyayari dito?


Napatingin naman ako kay Jeron na walang hawak na Mavie. Curious naman nitong tiningnan ang babaeng kausap ko.


Jeron: Sino ka?


Babae: Ako po si Alyana, ang ina ng batang kinupkop nyo.


Nagulat din si Jeron sa sinabi ng babae. But he didn't look as pissed as I was. Mas lalo lang syang naging curious.


Alyana: At gusto ko na po sana syang bawiin.


Mika: Hindi pwede! Kami ang buwis-buhay na nag-alaga sa kanya kahit wala kaming kaalam alam sa pagiging isang magulang. Kami ang pumuna sa responsibilidad mo bilang isang magulang! Tas sasabihin mo saming babawiin mo na sya?!


Mangiyak ngiyak na ko sa sinabi ko. Okay na kasi sana eh. Kahit hindi ko naman talaga anak si Mavie, ganun na rin ang turing sa kanya. Bat ganun, kung kelan masaya na ang lahat, dun pa dadating ang problema?


Jeron: Miks, calm down—


Mika: Anong 'calm down'?! Hindi! Hindi kukunin nyang babaeng yan si Mavie!


Kumawala ako sa hawak ni Jeron at tumungo sa sala.


Jeron: Sorry. Pero pwede bang bukas nalang natin pag-usapan toh? Gumagabi na rin kasi eh. You can come back by morning.

Babysitters (a JeMik fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon