27: 3-in-1

3.2K 99 29
                                    

“HOY IKAW! KUNG HINDI KA PA BABABA DYAN, IIWAN NA TALAGA KITA!”

Mika: Oo na! Pababa na nga diba? Atat lang?!

Tatanungin nyo pa ba kung ano na namang gulo ang nangyayari dito sa bahay? Osige tama kayo, wag nalang. Umaandar lang naman kasi ang pagka-impatient nitong si Jeron. Porket may kikitain daw galing Canada, iiwan na ko agad pag di pa ko nakabihis. Eh kung sya kaya mag-asikaso kay Mavie?!

Jeron: Bagal mo na naman kasi eh. Pinaglihi ka ba sa pagong?!

Mika: Hindi. Sadyang nagmana lang talaga ako sayo.

Jeron: Aba’t—akin na nga si Mavie! Ikaw na magdrive.

Mika: Hala! At napag-utusan pa ko—

Jeron: Eto susi ng kotse ko. *tinapon kay Mika ang susi*

Mika: Uy teka! Di ba yung auto ko ang gagamitin?

Jeron: Bakit ko ba binigay sayo ang susi ko kung auto mo ang gagamitin? Tss.

Mika: So pinagddrive mo ko ng sasakyan mo?

Jeron: Bobo ka ba?

Mika: OMG!!!! Finally! Maddrive ko na rin tong Cruiser mo! Wooo!!!!

Jeron: MIKA BILISAN MO NA!

Mika: Yes boss! *salute kay Jeron* Wooo!! Cruiserrrrr!!!

Okay, sorry na po kung masyadong maingay. Eh “for the first time in forever” moment na naman kasi toh. 2 and a half years nang pagmamay-ari ni Jeron tong engrandeng Cruiser pero NEVER nya kong pinadrive neto. Kaya ako naman, tiis nalang muna sa Suzuki ko. Pero love ko yung sasakyan ko ah. Kaya nga lang, ang cool ng sasakyan ni Jeron kaya matagal ko nang hiniling kay Lord na bumait sakin si Jeron at pahiramin ako ng kotse nya.

At eto na, Lord answered my prayers!

Jeron: Wala ka na bang ikabibilis pa?

Mika: Sorry naman po. Baka masira ko pa tong sasakyan nyo boss eh.

Jeron: Dalian mo na. Kanina pa naghihintay sakin si Ariana.

Mika: *agad tumingin kay Jeron* Babae ang kikitain mo?

Jeron: Obvious naman sa pangalan diba?

Mika: Eh kami ni Mavie? San mo kami balak iwan ha?

Babysitters (a JeMik fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon