THBZH: Chapter 9

916 32 3
                                    

THBZH: Chapter 9

"Antagal naman nila. Are they even up there? Ni hindi ko sila makita. Antahimik pa." halata sa boses ni Yuki ang pagka atat.

"Let's go inside." - Kaichou

Nasa tapat na kami ng building kung saan namin kikitain sina Kiseki at Haibara. We managed to get here in just a few minutes. Wala kami masyadong na-encounter na mga infected.

It's a good thing actually. But why am I thinking that there's also something bad about it?

Masyado yatang nagpakampante ang dalawang 'yun. Akala ba talaga nila ay matatapos kami ng ganoon kadali?

Hindi ko alam kung maiinis ako dahil sa minamaliit nila ang kakayahan namin o matutuwa na rin dahil makakatipid kami sa oras at hindi kami mapapalaban sa kapwa namin Senshins.

'Can't wait to kick those traitors' ass, huh.'

'Naman! I'll never forgive them for doing this.'

"Sh*t. May isang nasa rooftop. Trapped with a bunch of zombies." alarmang tugon ni Ryuji.

Hindi niya naman masabi kung si Kiseki ba 'yun o si Haibara since hindi naman siya pamilyar sa lahat ng taga Atama.

I frowned at that. "Ha? Isa lang?"

He nodded nang masiguro.

"Let's move." biglang sabi ni Kaichou.

Kaya pala sobrang tahimik dito sa baba, nandoon pala silang lahat sa tuktok.

But where's Haibara?

"Clear." deklara nina Yuki at Ryuji nang masuyod ang second floor.

Ayaw gumana ng elevators so no choice, patakbo kaming umakyat ng hagdanan at kulang nalang iwanan ko sila. Pero hindi ako pwedeng magpadalos-dalos. Mahirap na, baka may makasalubong pa akong zombie.

"Badtrip talaga ang matataas na building. Isa 'to sa mga dahilan kung bakit na l-late ang estudyante eh!"

"Hindi ka naman ma l-late kung maaga kang gumigising noh!"

"Heh! Eh sa masarap matul—aah!"

"Yuki!"

*Growl*

Napahinto kami nang sa isang iglap, may dumamba sa kanya mula sa isa sa mga classrooms.

Napahiga sa sahig si Yuki hanggang sa nagpagulong-gulong silang dalawa pababa.

Nagbuffer pa nang ilang segundo ang mga sarili namin sa bilis ng mga pangyayari bago kami patakbong bumaba uli para tulongan siya.

"DON'T! MAUNA NA KAYO! I CAN HANDLE HER." sigaw niya sa amin.

Nakahiga parin siya habang nakapaibabaw sa kanya si... SI HAIBARA?!

"Anak ng—! She got infected?!" bulalas ko.

Pilit niyang kinakagat si Yuki ngunit napipigilan niya ito sa pamamagitan ng paghawak sa leeg ni Haibara.

"Growl!!"

"Argh! Langya! Ano pa'ng hinihintay nyo dyan? Tamang panahon?! Sa ALDUB lang 'yun kaya alis na!"

Tinanguan ko siya at paakyat na sana uli kami nang pigilan kami ni Ryuji.

Tantei High becomes ZOMBIE HIGH?! (FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon