THBZH: Chapter 1

8.9K 197 103
                                    

Andaming nagtanong, bakit daw zombie? Basta! Wahaha. Ang gulo kasi ng utak ko eh.

Syanga pala, ang mga characters dito ay naiba na. Okay?

Dedicated to Jaseyow09. Mabbs! Labyu! Hahah. XD

Enjoy reading!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

THBZH: Chapter 1

*Friday Morning. A few hours before the apocalypse* (A/N: Lol, apocalypse XD)

Naghanda na 'ko para sa pag alis. Maglalakbay kasi ako. Choos! Joke lang, pupunta ako sa gubat para magsanay. Balak kong e-enhance pa nang maigi ang sixth sense at weapons ko.

"Machi, sa'n ka pupunta?" napalingon ako sa may pinto.

"Oh, Yuki. Dyan lang sa gubat. Babalik din ako mamayang lunch. Tapos ka nang magliwaliw sa library?"

She rolled her eyes at umupo sa gilid ng kama.

"Hindi ako nagliwaliw noh. Natulog ako dun."

Pfft. Langya to.

"Narinig ko yun ah. Geh, tulog muna ko ulit. Nahuli ako dun eh kaya napalayas ako. Good night Machi." tapos tuloyan na siyang nahiga at nagtalukbong ng kumot.

Natawa na lang ako at naglakad na palabas ng kwarto namin.

'Yun si Yuki Jase. Antukin pero 'wag ka... magaling mag solve ng cases 'yun.

Nasa labasan na ako ng dorm nang makasalubong ko naman si Chiriko.

"Oy Machi! Punta ka ulit sa gubat? Sama ako!" at kumapit pa sa braso ko.

"Takte Chiriko. Bitaw nga, alam mo naman nangyari nung last time na sumama ka sakin 'di ba? Tch." tinanggal ko na 'yung pagkakakapit niya sakin.

Nung minsang sumama kasi siya sakin, aba'y naloka ako. Na bored kasi siya sa panunuod sa'kin kaya maglalakad-lakad daw muna siya pero ang nangyari, siya po ay naligaw. Inabot pa ako ng hapon para mahanap siya.

"Ito naman, kalimutan na natin 'yun. Tara na." hinila niya pa ko.

"'Wag kang makulit. Uupakan kita." napatigil naman siya sa paghila at...

tumakbo palayo.

'Katakot ka. Na stress bigla ang kagwapuhan ko sa'yo. Hahaha! Ingat ka Machi.' she said through inner voice.

Suus. Yun lang naman pala panakot ko sa kanya. Hahaha!

Makapunta na nga sa gubat.

*After 3 hours*

"Phew! Kapagod!" napahiga ako sa damuhan.

Kakatapos lang ng pagsasanay ko. Nakaka exhaust talaga 'to.

Iniunan ko ang dalawa kong palad at pinagmasdan ang kulay bughaw na langit.

Mmm. Peace.

This is all I want.

Nakakarelax ang ambiance dito kaya hindi ko namalayan na nakatulog na pala 'ko.

*After 1 hour/back to the present* (A/N: Daming after XD)

*BOOOOOOOOOOOOM!!*

Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang makarinig ng malakas na pagsabog.

Tantei High becomes ZOMBIE HIGH?! (FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon