Happy 3K reads! ^_____^ Mahaba-haba 'to.
Sa mga hindi po mahilig sa japanese terms, ang ibig sabihin ng kaichou ay president. :)
Enjoy reading! ;)
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
THBZH: Chapter 7
"Yuki, Chiriko. Gising!" pinag-aalog ko silang dalawa pero putek, tulog na tulog. Mga tulo-laway pa!
Okay sana kung wala kaming problemang kinakaharap ngayon eh, bahala pa kung isang taon silang humilata at matulog pero hindi eh! Tsk
"Hoy ano ba, gumising na sabi kayo! Hindi ito ang oras para matulog!" napabitaw ako nang biglang kumirot ang sugat ko sa balikat.
It's hopeless. Pinabayaan ko nalang muna sandali at sinuri kung nasaan kami.
Nasaan nga ba kami? Ba't hindi ako pamilyar sa lugar na 'to?
Ang alam ko lang ngayon ay nasa isang medyo madilim na silid o kulongan kami.
Damn those two traitors! Paano nila nagawa samin 'to?! Para na kaming pamilya dahil sa matagal na samahan. Pinagkatiwalaan pa namin sila. Matagal na ba nilang plinano ang pagwasak sa Tantei High? Bakit? Anong motibo nila?
Napailing nalang ako at sinipa ng malakas ang kambal kaya nagkalasug-lasug ang katawan nila.
De joke lang, nilapitan ko uli sila at sinigawan sa may tenga.
"SUNOG! MAY SUNOG! NASA'N HA?! NASA'N?!" - Chiriko
"S-SORRY MS. FUJIKO! NAKAPIKIT LANG AKO PERO 'DI AKO NATUTULOG SA KLASE MO!" - Yuki
"Aray ko naman!" sabay nilang sabi.
"Pfft. Epic nyo. HAHA!" napabalikwas kasi sila at nagkauntogan, sapo nila ang mga noo nila.
"Langya naman Machi oh, araay."
"Argh, ang noo ko. Lintik Chiriko, bakal ba yang noo mo o makapal lang talaga?"
"Anong sabi mo?! 'Yang mala airport mong noo ang sisihin mo noh, buset."
"Ahh ganun? 'Yang noo mong daungan ng barko!"
"TAMA NA! PAGHAHAMPASIN KO YANG NOO NYO PARA BUMUKOL." awat ko.
"Siya kasi eh! Anong ako? Ikaw kaya! 'Wag mo kong gayahin! Grrr!" sabay na naman sila at nagturuan pa, mga loka-loka.
Sinamaan ko sila ng tingin kaya napatahimik nalang. "Guys, we have to get out of here."
"Where on earth are we? Wala akong makitang pinto. Puro pader lang-sandali! Oh my gosh!"
Naging alerto naman kami. "Bakit Yuki? Anong nakita mo?"
"S-Si Yu kaichou. Nandoon siya sa may sulok! W-Wala siyang malay at mukhang nabugbog pa!"
"Sus! Akala ko kung ano na, si Yu Kai-TEKA ANOOO?!"
Nagmadali kaming tumakbo papunta kay Kaichou. Crap! Sinong may gawa nito sa kanya?!
"Kaichou! Kaichou gising!"
"Gagamutin ko ang mga sugat niya." kumilos na agad si Chiriko.
Pinulsuhan ko siya at mabuti nalang ay buhay pa siya. Medyo nakahinga ako ng maluwag.
"Tingin nyo, ang magkapatid na Shigeru at Hiromi ang may kagagawan nito? Sila kaya ang nagkulong sa'tin dito? God, andami niyang pasa at sugat!" - Chiriko
![](https://img.wattpad.com/cover/30407155-288-k990726.jpg)
BINABASA MO ANG
Tantei High becomes ZOMBIE HIGH?! (FF)
Hayran KurguThe new generation of Tantei High is here, with a major twist. Original story by Purpleyhan.