Tara na lex Aya sa akin ni Lea
Oo sige. Teka itetext ko lang siya Sagot ko sakanya
"Hi Phil, On the way na kami papunta kina Lea. Eh, nasabi nila rin kasi na may overnight daw doon so, ayun punta ka nalang kung gusto mo." - Message sent
Oh siya tara na! Aya ko sakanila
Aber sino naman yang tinext mo ha? Tanong ni Shy
Basta! Makakasama natin siya mamaya Sabi ko sakanila
Asus! Si phil nanaman yan Epal na sagot ni Nhil.
BASTA! TARA NA! GO GO GO! RAK NA ITUUUUU! Sabi ni Glenn
**Note: "RAK NA ITU" Ayan yung mga language o expression naming magbabarkada once na mag-sesession kami nang inuman o kaya maglalaro kami nang DOTA sa taas nang kainan sa labas nang school minsan kasi kapag boring ang lecture tumatakas talaga kami. Oops! Sa mga readers ko na istudyante pa lang, wag niyo gagayahin to. Oo masarap maglaro nang dota, masarap din magsession pero make sure after niyan may hawak kayong diploma. Sarap sa feeling na isa kang bachelor degree holder. Hindi ba?
So ayun na nga, nakarating na kami nila Glenn, Shy, Nhil at ako kina Lea. Andito pa lang kami sa gate nang whispering eh kinakabahan na agad ako sa hindi malaman na dahilan. Bakit kaya? Dahil ba? Dahil ba sa papalapit ako kung saan siya nakatira? Ang bilis nang pintig nang puso ko, kinakabahan ako na halong may pagka-excited. Dahil ba umaasa ako na makakasalubong ko siya? SANA.. SANA..
Pero papalapit na kami sa kanto nila triny ko talaga as in triny na lumingon kung saan banda nakatayo ang bahay nila kaso...... wala akong nakita maski anino niya kaya ayun nadisappoint nanaman ako sabi nga nila diba? Less expectations, Less disappointments e kaso hindi ko naman alam kung kailan ko maiaaply sa sarili ko 'yang katagang yan. Hindi sa hindi ko alam kundi AYAW KO LANG.
Sinabi ko na lang sakanila na maglalakad-lakad muna ako. Medyo nalulungkot na rin kasi ako sa kadahilanan na hindi siya nagtetext sa akin kaya hindi ko alam kung tutuloy pa ba siya o hindi.
Lex! Susunod pa ba yan si Phil? Bumili na kaya tayo. Aya ni Glenn
O sige. Sagot ko na malumanay
Amina ambagan naaaaa! Hahaha! Sabi ni Nhil
Oy lex. Ayos ka lang? Sama ka nalang samin baka makita mo rin siya. Ayain na rin natin. Sabi sa akin ni Lea
Ah. Sige. Pero bayaan mo na. Baka hindi na rin naman sasama yun e. Sagot ko
Bakit naman? Tanong ni Lea
Eh. Ewan ko. Malumanay na sagot ko
Nagkaka-asaran na kami habang palakad palabas nang subd. nila lea. Nagkakantahan kami, picture-picture, tawanan na halos parang kami lang tao sa subd. Bumili na nang alak sila Glenn at Lea ako naman nakatingin sa malayo nag-aantay kung lalabas ba siya nang subd. nila pero wala fail pa rin ang pag-eexpect ko. Tameme akong naglalakad habang sila e nag-aasaran, nakinig na lang muna ako sa ipod ko.
"I see forgiveness i see the truth you love me for who I am like the stars hold the moon. Right there where they belong and I know I'm not alone"
Gandang-ganda ako sa kantang ito ni Miley Cyrus. Nakakainlove eh. Pero teka....... Sino 'tong tinatawag ni Glenn? Mapakinggan nga.
Tara shot tayo kina Lea! Tawag ni Glenn
Oo brad! Susunod ako. Sabi ni Phil
HAAAA? Si phil ba yun? Boses pa lang. Alam kong boses niya yun! Boses pa lang niya kilalang kilala ko na. Teka? Teka? Bakit ako kinakabahan? Ano to? Hay! Makisama ka heart. Wag ka kabahan. Hindi ko alam gagawin ko kung lilingon ba ako o hindi pero..... Galit ako sakanya! Kaso sabi niya diba? Susunod daw siya? Tototo ba yun? Gusto kong lumingon promise saglit lang to isang sulyap lang.
One......
Two......
Three....
"Yeah when my world is falling apart when there's no light to break up the dark that's when I, I
I look at you. When the waves are flooding the shore and I can't find my way home any more
that's when I, I look at you"Bigla akong nagulat dahil pagka-harap ko ay.... Nasa harapan ko na pala siya. Wala na hindi ko na alam sasabihin ko dahil parang huminto yung mundo at oras nang sandaling yon. Nagkatitigan kaming dalawa. Wala kaming sinasambit maski isang salita.
"You appear just like a dream to me just like kaleidoscope colors that cover me. All I need every breath that I breathe don't you know you're beautiful yeah, yeah, yeah. When the waves are flooding the shore and I can't find my way home any more that's when I, I look at you, look at you "
Hindi ko alam gagawin ko.. Kayo ba? Ano bang gagawin niyo kung sakaling yung taong mahal na mahal mo ay nasa harap mo, yung taong gustong gusto mong balikan, yung taong minahal mo sa loob nang tatlong taon? Yung taong laging laman nang puso at isip mo at yung taong kahit lagi kang sinasaktan e handa ka pa rin na tanggapin siya kung sakaling bumalik siya sayo? Ayan yung mga tumatakbo sa isip ko nung time na nagkatitigan kame nagulat na lang ako bigla siyang nagsalita na.
Sorry lexi. Hindi ako nakakatext sayo ha Sabi niya sa akin
Ha? Uh. Okay lang. Sagot ko
Okay? Kilala kita. Nagtatampo kana sa akin e. Sabi niya ulit
Ha? Hindi naman. Uhm. Medyo. Sabi ko na halong may pagkalumanay
Sorry talaga. Wag kana malungkot. Sasama ako nangako ako diba? Sabi niya na nakangiti
Ayan nanaman yung dimples mga readers!!!!! Sa dimples ako namamatay promise!!! Sa dimples ako mas lalong nahuhulog at sa malumanay niyang boses na buong buo. Nakakairita talaga pero kinikilig ako! Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at sabay sabing:
Oh halika? Tara na sabay na tayo.
BINABASA MO ANG
Searching for a Bliss of Magic
HumorAno nga ba yung "magic" na hinahanap nang isang tao? Yung "magic" na gusto nilang maramdaman? Yung "magic" na makakapagpasaya sa isang tao. Hindi ba pwedeng puro magic na lang? Wala nang paghihirap na mararanasan? Pero hindi eh. HINDI MAARI. Dahil s...