Note: Dedicate ko sa bespren ko. Hahah. Alam ko pamilyar yang scene sa dulo kapag nabasa mo may maalala ka. <3
********
Tindi no? Hindi pala nila kaya ubusin. Sabi ni Phil
Oo nga eh. Tignan mo sila. Andun na sa kwarto. Sabi ko
Bayaan mo na. Mag-usap na lang tayo. Sabi niya sa akin
Ano naman pag-uusapan natin? Tanong ko sakanya
Medyo tipsy na talaga ako that time kaya hindi ko na rin alam kung ano pa mga lumalabas sa bibig ko which hindi totally na alam yung kumbaga e masiyado na ako mabilis magbitaw nang salita alam niyo yung pakiramdam nang isang tao na nadulas magsabi nang sikreto? Ganun na ganun. Medyo namamanhid na rin yung mukha ko e at damang dama ko yung init sa katawan ko galing sa alak na ininom namin.
"Para kang asukal sintamis mong magmahal. Para kang Pintura buhay ko ikaw ang nagpinta.Para kang Unan pinapainit mo ang aking tiyan. Para kang Kumot na yumayakap sa tuwing ako'y nalulungkot Kaya't wag magtataka kung bakit ayaw kitang mawala"
Napatingin at napatulala na lang ako sakanya. Nagulat ako nang bigla niyang kinanta yan sa harapan ko. Damang dama ko yung mga lyrikong binabanggit niya mula sa kanta.
"Kung hindi man tayo hanggang dulo wag mong kalimutan nandito lang ako laging umaalalay
hindi ako lalayo dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw"At sa isa pang lyriko nang kantang kinakanta niya bigla na lang tumulo ang mga luha ko, bumalik lahat nang sakit na naranasan ko noon, lahat nang alaala na meron kami noon kahit na sabihin mong hindi kami ganoong katagal e una palang mahal ko na siya, mahal na mahal ko siya nang sobra. Hindi ko na mapigilan ang mga luha na pumapatak sa mata ko para akong isang batang umamin sa isang kasalanan na ginawa ko, para akong batang nadapa. Hindi ko alam.. Hindi ko alam kung bakit tumutulo ang luha ko, hindi ko rin mapigilan bakit ganito, bakit ganito kasakit dahil ba sa nakainom ako? pero hindi. ramdam ko na wala na sa akin yung spirito nang alak e. Wala na, para na akong normal ulit na handa nang tumagay nang isa pang baso.
Bakit ka umiiyak lexi? Tanong niya
Wala. Wala ito. Sabi ko
Naiyak ka ba sa kinanta ko? Tanong niya ulit
O....Oo pasensiya kana. Sabi ko sakanya habang humihikbi
Lexi, sorry. Sorry kung sinaktan nanaman kita. Sorry kung lagi kitang pinapaiyak lexi, sorry. Sabi niya sa akin
Bakit ganun. Mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon phil, hindi ko alam kung bakit pero... ikaw lang talaga naiisip ko sa halos araw araw eh. Sabi ko sakanya
Please lexi. Tama na. Sabi niya
Bakit ba! Kahit nga magmukha na akong tanga at ramdam ko na ayaw mo na sa akin! Wala nang pag-asa! Pilit pa rin kitang minamahal. Tangina naman! Pagod na ako! Gusto ko na matapos to! Sabi ko habang umiiyak nang pahagul-gol
Lexi........ Ayan na lang ang tanging nasambit niya
Tanga na kung tanga! Wala akong pakielam sa sasabihin nang iba pero... Mahal pa rin kita!!! Sigaw ko sakanya
Nang biglang dumampi yung mga labi niya sa labi ko......
Natapos ang gabing yon. Nakatulog ako sa kakaiyak ko kaya binuhat niya ako para ihiga, sakin rin daw siya tumabi nang gabing yon. Ikinwento nila Nhil sa akin kung ano ang nangyari. Habang tawa sila nang tawa ako naman ay tulala. Ramdam ko kasi na wala naman na talaga at lalong ramdam ko pa rin yung halik niya sa labi ko, ibig sabihin ba noon ay tapos na talaga lahat?
BINABASA MO ANG
Searching for a Bliss of Magic
HumorAno nga ba yung "magic" na hinahanap nang isang tao? Yung "magic" na gusto nilang maramdaman? Yung "magic" na makakapagpasaya sa isang tao. Hindi ba pwedeng puro magic na lang? Wala nang paghihirap na mararanasan? Pero hindi eh. HINDI MAARI. Dahil s...