Hay naku! Heto na nga. Hindi pa rin ako maka-move sa nangyari. Hello! Sino ba naman agad makakapag-move on sa isang taong binigay mo lahat, handa ka isacfrice lahat maparamdam mo lang sakanya na mahal mo siya wala naman hindi ba? Maski naman ikaw. Ganun din naman mararamdaman mo. Alam ko lumilipas yung mga araw, alam kong matagal tagal na pero siya padin yung gusto ko. Gusto ko makita, gusto ko makausap. Para talaga akong tanga. Hindi ko talaga kayang i-manage yung nararamdaman ko para sa kanya. Kaya heto, heto nanaman ako.
"May sasabihin ako sayo"
"Ano yon?"
"Mamaya na. Basta ipangako mong hindi ka iiyak"
"Ano ba yan? HALA! Nacucurious tuloy ako. Sabihin mo na kaya"
"Mamaya na nga excited ka eh!"
"Dali na oh. Please?"
"Oh sige na nga!"
Nakinig ako sa kwento ni Bry. Kinakabahan ako. Basta super bilis nang heartbeat ko. Ewan ko ba kung bakit ganito yung nararamdaman ko.
"Kasama ko si Phillip kagabi. Nanghiram ako para sa computer ko. Hmm. May nagtext sakanya. Hindi ko sinasadyang mabasa. Ayoko sana sabihin sayo to pero nakikita kita na patuloy parin umaasa sakanya."
"Ano? Anong nabasa mo sa phone niya bry?"
"Hmmmmmm.. May babaeng nagtext sakanya. Sabi. Hindi na kita kaya mawala sa buhay ko. Kaya hindi na kita ulit papakawalan pa"
"Ahhhh.. Ganun ba.. Sino daw yung girl?"
"Hindi ko alam. Hindi ko na natandaan. Hindi ba? Sinabi ko sayo na wag kang iiyak"
"Hindi naman ako umiiyak ah baliw kaba?"
"Iba nalang lokohin mo. Patulo na yung luha sa mga mata mo"
Dahil sa sakit na nararamdaman ko hindi ko talaga napigilan ang maiyak. Bigla nalang inabot sa akin ni Kyle yung panyo niya at yun ang ginamit ko na pamunas. Hindi ako mapakali. Hindi ako makaconcentrate sa tinuturo nang professor ko. Asan ba si Renee? Gusto ko umiyak sakanya nang umiyak, tapos na ang klase buti naman saglit lang nagturo 'tong professor namin kasi ilang oras nalang magbblow up na ako sasabog na yung nararamdaman ko. Ang sakit na kasi eh. Sobra.
Biglang pumasok si Renee sa classroom. Nakita ko siya. Tumakbo ako palapit sakanya. Umiiyak, iyak ako nang iyak yung tipong wala nang bukas. Gusto ko ilabas 'tong sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit. Basta! Ang sakit sakit.
BINABASA MO ANG
Searching for a Bliss of Magic
HumorAno nga ba yung "magic" na hinahanap nang isang tao? Yung "magic" na gusto nilang maramdaman? Yung "magic" na makakapagpasaya sa isang tao. Hindi ba pwedeng puro magic na lang? Wala nang paghihirap na mararanasan? Pero hindi eh. HINDI MAARI. Dahil s...