Masiyado na ako nasarapan dun sa pagsshare ko. Don't worry madami pa naman yan eh. Stay put lang kayo. 6:00pm na pala. Yari na nito. Napaka-traffic pa naman sa uwian ko halos isang oras at kalahati ang traffic dun. Bago pa man ako makalabas nang National Bookstore may napansin akong isang napakagandang notebook. Hindi ako mahilig sa ganito pero napwersa akong bilhin. Hindi ko alam kung bakit pero ang ganda kasi nang design at isa pa may pume-pwersa sa akin na bilhin ko 'tong simpleng notebook na ito. Napagastos pa tuloy ako nakakainis pero okay narin baka soon may pag-gamitan ako.
"50 pesos lang miss"
"Ay eto po oh."
Iniisip ko ano ba ang maisusulat ko dito? Gagawin ko ba siyang diary? Eh parang ang baduy eh. Nag-diary na ako noong highschool ako. Ano kaya pwede? Wala akong maisip. Nakauwi na ako nang bahay. Nagbihis nang pang-tulog. Kumain. Hindi na ako nag-shower tinatamad kasi ako eh. Basta diretso na ako sa pinakamamahal kong laptop. Magbbrowse ako sa net. Mag faface-book, Twitter. At kahit na ano pang ginagawa ko pagka-uwi ko galing bahay. Pag naalala ko talaga yung masasalimuot kong past love life natatawa nalang talaga ako sa sarili ko eh. Inaalala ko lahat nang katangahan ko. Oo puro katanagahan yon. Sa una palang na kniwento ko sa inyo hindi ba? Full of stupidness. Nabuhay akong tangang tao. Yan ang masasabi ko sa inyo.
"Ate lex! Panuorin mo to sa facebook dali! Ang gwapo nang crush ko sumayaw!"
"Oh teka! Chillax. Patingin nga."
"Oh hindi ba? HAHAH! Ang gwapo niya. Shet! Nakakainlove sobra."
"Malandi ka! Dun kana nga may ginagawa pa ako eh."
"Che! Ang bitter!"
Sapakin ko kaya tong kapatid-kapatidan ko? Bitter daw eh! Pero unfortunately? Habang pinapanood niya sa akin yun. Natatawa ako. May naalala kasi ako eh. Siguro readers? Makakailang flashback ako sa mga katangahan ko sa buhay dahil dito. Teka! Balik tayo dun sa pangawalang naalala ko. Ang pangalawang stupid love ko.
"Uy tol! Pahiram naman ako nang calculator! Wala ako magagamit sa algebra eh" Sabi ni Jen
"Bakit? Kailangan ba?" Tanong ko
"Oo ano kaba? Hindi ka papasok pag wala ka nun"
"Hala tae yan! Tara hiram tayo"
Nakahiram na si Jen at Carol. Pero ako hindi pa. San ako manghihiram? Ayun may isang lalaki dun. Kakapalan ko na tong mukha ko.
"Umm. Kuya? May calculator ka? Pwede po ba makahiram? Kailangan ko lang talaga kasi..."
"Sige. Basta ibalik mo lang ha"
"Sige salamaaaat! Super thankyou!"
"Sige"
Haaaaay! Buti nalang may mabait na taong nagpahiram sa akin. Kahit papano rin pala swerte ako. Biglang nawala si jen at carol. Iniwan nanaman ako nang dalawang to. Bwiset!
"Oh ano tol? Nakahiram ka?" Tanong ni Jen
"Ewan. Mga wala kayong kwenta. Nang-iiwan kayo." Sabi ko nang pagalit.
"Hala! Si mam kasi. Sabi wag magtatagal dun" Sabat ni Carol
"Deh sige okay lang..." Pabiro ko
"Parang tanga talaga to. HAHAHA" Sabi ni Carol
Natapos na ang klase sa algebra. Kailangan kong mahanap yung lalaking yun. Ano ba pangalan niya? Shit! Hindi ko man lang natanong! Ang bobo ko nakakainis! Teka. May naalala ako. May napansin nga pala kanina si Shane.
"Lex. Kanino tong calculator?" Tanong ni Shane.
"Ay hala! Ang bobo. Hindi ko natanong pangalan nang lalaki" Alalang sabi ko
"HAHA! Wag ka magalala may pangalan sa likod oh" Sabi ni shane.
"Teka nga patingin ako!" Usisa ko
"V - O - N. S - A - N - T - O - S. Von santos ang pangalan niya!"
Ayun! Naalala ko na. Si Von Santos. Pero paano ko hahanapin to. Magtanong na lang ako sa mga classmates ko na kung may kakilala silang ganun.
"Arnie? May kakilala kabang von? Von santos?"
"Ah oo meron. Bakit? Ano kailangan mo sakanya?"
"Pwede ba ako maki-usap sayo? Na ikaw na sana magbigay nang calculator niya?"
"Oh sige ba. Ako nalang bahala dito"
"Sige salamat arnie ha! Super salamat"
"Wala yon. Sige na aalis na ako. Madami pa akong gagawin eh"
"Sige ingat ka!"
"Ikaw din. Salamat"
Ayun! Tapos na ang kalbaryo ko. As usual same parin ang gawain. Uuwi nang bahay. Palit damit. Kain at balik sa pinaka-mamahal kong laptop. Naalalala ko si Von Santos. Search.. Search... Search.. Gotcha! Eto pala siya. Mai-add ko nga. Friend Request Sent > Friend Request Accepted. Hala ka? Ang bilis naman! Teka icha-chat ko nga to.
Hmm. Hi po! Ikaw si Von santos right? About kanina. Salamat po ulit sa pagpapahiram nang calculator. Pasensiya na hindi ako yung nagbalik. Hindi narin kasi kita mahagilap non eh. Hinid ko rin alam kung paano kita hahanapin. Pasensiya na. Salamat ulit. > Lexie
Ang drama mo naman! Okay lang yun. Nabalik narin naman ni Arnie yung calculator. May bayad yun. Deh! Joke lang. > Von
Hanggang sa humaba yung conversation namin. Alam niyo na kung saan patungo yung ganung usapan hindi ba? Ayun. Dahil sa katangahan ko. Nanligaw sa text. Sinagot ko naman. Medyo may pagka-malandi rin kasi ako nung panahon na iyon. Hindi ko na pahahabain tong flashback ko. Nagkita kami. After namin magkita break na. Hindi ko alam kung ano bang problema. Siyempre nasaktan ako. Napahiya ako. Para kasing ang labas nun. Ang pangit pangit kong tao. Hindi ba? Nagkita lang brineak na ako kaagad. Gusto ko malaman kung bakit ganun. Hanggang sa malaman at mabalitaan nalang namin nila Shane na pinagpustahan nga talaga ako. Gusto kong umiyak sakanila pero ayokong isipin nilang kaawa-awa akong tao at napaka-hina ko kaya hinayaan ko nalang at tinawanan yung ganun. Inalis ko nalang sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Searching for a Bliss of Magic
HumorAno nga ba yung "magic" na hinahanap nang isang tao? Yung "magic" na gusto nilang maramdaman? Yung "magic" na makakapagpasaya sa isang tao. Hindi ba pwedeng puro magic na lang? Wala nang paghihirap na mararanasan? Pero hindi eh. HINDI MAARI. Dahil s...