Chapter 4:Mr.SOO

109 10 4
                                    

Chapter 4

[JM's POV]

"JM!" Sigaw niya sa akin. Nakangiti siya habang tinatawag ako. Tumakbo ako papalapit sa kanya pero parang hindi ako nakakaalis sa kinatatayuan ko. Nararamdaman ko na ang pagod pero parang ang layo layo ko pa rin sa kanya.

"Mhasey..." Bulong ko. Huminto ako sandali sa pagtakbo, paglingon ko ay wala na siya.Pilit ko siyang hinahanap, nakita ko siyang tumatakbo. Unti-unti na siyang nawawala sa paningin ko.

"Mhasey! Huwag mo kong iwan!"

"Mhasey!" Napabalikwas ako ng bangon. Halos pawis na pawis ang noo ko. Nagpalinga linga ako sa paligid.

Patuloy ang pag-ikot ng mata ko nung may matanaw ako,

isang babaeng nakaitim na jacket at ripped skinny jeans ang naglalakad sa kabilang kanto ng semeteryo. Ganitong ganito ang itsura niya sa panaginip ko.

Totoo ba tong nakikita ko?

"Mhasey?" Sinubukan ko pang ikurap-kurap ang mga mata ko pero siya pa rin ang nakikita ko. Shit!

"S-sandali!" Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin. Basta ang alam ko lang ay gusto ko siyang yakapin. Halos limampung metro ang layo niya sa akin. Nakita ko siyang pumasok sa restroom kaya tumakbo ako papunta doon.

Hindi nagtagal ay lumabas rin siya kaagad. Konti na lang, maaabutan ko na siya.

"Mhasey!" Sigaw ko pero parang hindi niya ako naririnig. Ilang metro na lang ang layo ko sa kanya nung may tumigil na kotse sa harap niya pero agad ding umalis. Nung makalagpas yung kotse ay nakita ko siyang parang may hinahanap.

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Nakita kong tumitig siya sa akin kaya mas binilisan ko ang takbo ko. Nung makalapit na ako sa kanya ay agad ko siyang hinigit papalapit sa akin at niyakap ng sobrang higpit.

Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko pag nawala ka pa ulit." Niyakap niya rin ako ng mahigpit. Lalong bumuhos ang mga luha ko dahil sa ginawa niya.

"I love you Mhasey..."

Pagkasabi ko nun ay bigla na lang siyang umiyak. Dala ba yun ng tuwa? Masaya ba siya?

Maya-maya ay bigla na lang niya akong itinulak papalayo sa kanya. Anong problema? Akala ko ba,

"Tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng Mhasey. Hindi ako si Mhasey, JM! Ako to! Si Chasey! Hanggang kailan ka ba magkakaganyan! Hanggang kailan mo ikukulong ang sarili mo sa taong patay na!"

Humahagulgol na siya habang isinusumbat sa akin yun. Bigla akong natauhan dahil sa mga sinabi niya. Napatungo ako sa sobrang hiya.

"Hanggang kailan mo ba balak saktan ang damdamin ko?" Hindi ko siya masagot, hiyang hiya ako sa kanya. Basag na ang boses niya dahil sa pag-iyak.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin hanggang isang hakbang na lang ang pagitan naming dalawa. Itinaas niya ang mukha ko at pilit pinunasan ang mga luha ko.

"Nandito pa ako...Pwede ako na lang... Ako na lang ulit." Nagmamakaawa ang mga mata niyang walang humpay sa pag-iyak. Maya-maya ay naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi niya sa mga labi ko.

Napapikit ako sa ginawa niya.

One...

two...

three...

Tatlong segundong tumagal ang halik niya. Yun na ata ang pinakamahabang tatlong segundo ng buhay ko. Humiwalay siya sa akin pero nanatili akong nakapikit at umiiyak.

Us Against Tadhana 2:  A fight for foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon