Chapter 15: Broken glass

98 8 6
                                    


Chapter 15

[Chasey's POV]

"Ahm, Chase? Sigurado ka bang yan yung bangka natin? Bakit hindi mukhang bangka?" Manghang mangha kaming lahat nung nakita namin yung sasakyan namin papunta sa Tagoma Island.

"Hindi ko rin sigurado Zanee, hindi talaga yan mukhang bangka. Mas mukha yang mamahaling yate!" Nakatitig kaming dalawa sa napakagarang yate sa harapan namin.

"Ang ganda girl! Sabihin mo nga sa akin kung saan nakatira yang Mr.Naval na yan ng magapang ko na." Biglang napaubo si Ace dahil sa sinabi ni Zanee. Umiinom pa man din siya ng tubig.

"T-tara na ho." Utal na sabi ni Ace. Anong problema nun?

Malayo pa kami sa isla ay tanaw na namin ang mga mamamayan nito na nag aabang sa pampang. Halos lahat sila ay nakaputi. Napangiti ako, ganitong ganito kami noon nung nangyari yung beach wedding namin ni JM.

Nakangiti ko siyang nilingon pero hindi ko maiwasang malungkot sa nakita kong itsura niya. Halos di maipinta yung mukha niya.

"Si Mhasey nanaman ang naalala niya." Nakagat ko ang labi ko nung naramdaman ko ang bahagyang pag init ng gilid ng mata ko. Nagulat na lang ako nung bigla akong kutusan ni Zanee.

"Aray naman Zanee!" Hinimas himas ko yung parte ng ulo kong kinutusan niya.

"Aray aray ka dyan sa ginagawa mo sa sarili mo hindi ka umaaray!" Nanggagalaiti niyang sabi. Tama naman siya, kaso mas masakit iadmit ang emotional pain.

Bumunot ako ng malalim na hininga bago ko muling ibinalik sa isla ang tingin ko.

"May mga bagay talagang matagal mo ng hindi hawak pero hindi mo pa rin kayang bitawan. Parang yung pagmamahal niya, matagal ng hindi sa akin pero hindi ko pa rin matanggap." Napahigpit ang kapit ko sa railings. Nagsisimula nanamang uminit ang gilid ng mata ko and I doubt that this time, kaya ko pang pigilan.

Nagulat ako nung sumandal sa akin si Zanee. She leaned her head on my shoulder saka tinapik tapik ang likod ko.

"Sorry Chase. Alam mo naman ang bestfriend, daig pa ang magulang sa pagiging over-protective. Ayaw ko lang makita ulit kung gaano ka kawasak gaya nung dati." Nginitian ko siya dahil sa sinabi niya. She loves me,really. Kaya siya galit na galit kay JM at hindi ko siya masisisi. Dahil nung mga panahong hindi ko na alam kung papaano ko ulit bubuuin ang sarili ko, si Zanee ang nagtyagang umalalay sa akin. She knocked all my senses para magbalik ang dating Chasey.

Pero gaya ng isang basag na baso, kapag nasaktan ang puso, kahit anong subok nating i-glue ito at pagtagpi-tagpiin, meron at merong lamat na matitira, may maliliit na parteng nawawalang hindi na natin maibabalik, at ang maliliit na parteng iyon, kadalasan, yun din ang nagiging rason para muling masira ang baso. Dahil sa mga kulang na parte, rumurupok ito at mas madaling nawawasak. Hanggang sa hindi mo namamalayan, nasusugatan ka na dahil sa kakasubok mong buuin ulit ito, hindi mo pa rin maibalik sa dati kasi basag na basag na. Parami na ng parami ang maliliit na piraso.

Sa mga ganitong pagkakataon, yung mga simpleng pag alala ni JM kay Mhasey, yun ang mga nagsisilbing maliliit na bubog na hindi na maibabalik sa baso. Everytime sinusubukan kong pulutin at ibalik, nasasaktan lang ako pero hindi ko naman naikakabit ulit. Napakaliit kung titignan, pero kapag nagsama sama, napakalaking parte ito na nagiging dahilan kaya hirap akong ibalik sa dati ang basong basag.

Kaya lang, hindi ako ganoon katapang para bumili ng bago, hindi ko kayang itapon ang mga bubog, mas pipiliin ko ng masugatan at masaktan. Kung may isandaang rason man para bitiwan ko ang pag asang maging akin siyang muli, hahanap at hahanap pa rin ako ng isang rason para ipaglaban ang nararamdaman ko.

Us Against Tadhana 2:  A fight for foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon