Chapter 12:JM vs Ace (part 1)

126 9 10
                                    

Chapter 12

[Ryan's POV]

Nakasakay na kami sa van na magdadala sa amin sa Zambales. Kami ni Gelo ang nagdala nito. Ito kasi ang gagamitin ng grupo namin nina Chasey, hiwalay kami sa ibang kasali sa medical mission.

"Tama na nga yang kakalikot mo sa buhok mo Gelo!" Saway ko sa kanya nung mapansing aligaga siyang ayusin ang buhok niya magmula pa kanina. Malapit na rin kami kina Chasey, doon ang meeting place ng grupo namin.

Nung makapasok na kami sa Subdivision nina Chase, lalong naging aligaga si Gelo. Tss! Nag-drugs ba to? O nasobrahan sa paglanghap ng kemikal sa ospital? Langya!

Pinark ko na ang van sa harap ng bahay ni Chase, saktong pagka baba namin ng sasakyan ay siya namang labas nila ng bahay.

Kumpleto na ang grupo maliban kay JM. Nagwave si Chasey sa amin habang si Zanee naman ay ngumiti.

Maya-maya, naramdaman ko ang mahinang pagsiko ni Gelo. Pagbaling ko sa kanya, pfft! Wahaha! Tulala nanaman kay Zanee!

"Tol, kung sa ngiti pa lang niya naiinlove na ko, pano pa kaya pag nag i love you na siya, baka mamatay na ko." Wahahaha! Tangna tinamaan na talaga ang gago! Sarap batukan!

"Nasaan na si JM?" Usisa ko habang abala silang magbitbit ng mga gamit papasok sa compartment ng van.

Napansin kong biglang sumama ang mood ni Zanee nung tanungin ko yun.

"Ewan! Sana binangungot na para di na magising." Tinignan naman siya ng masama ni Chasey. Hindi na lang kami kumibo, umpisa pa lang alam na naming mainit ang dugo nitong si Zanee kay JM, siguro dahil sa nangyari five years ago.

Maya-maya, biglang may pumaradang asul na Alpha Romeo sa likod ng van namin. Shit! Ang ganda nung sasakyan! Halos malaglag ang panga namin dahil sa pagkamangha. Iilan lang ang Alpha Romeo dito sa Pinas kaya swerte na kami na may makikita kaming isa ngayon.


[Zanee's POV]

"Uy Ace! Kanino yan?" Tanong ni Chasey dun sa oh so poging driver slash delivery boy na iniluwa ng napaka garang kotse!

Ngumiti siya kay Chasey saka lumapit. Nakatitig kaming lahat sa kanya nung kunin niya ang kamay ni Chasey saka dahan-dahang hinalikan.

"AHHHHHH!!!" Halos magkakalas kalas ang buto sa katawan ni, teka sino ba to? Ay ni Angelo sa lakas ng yugyog at hampas ko sa kanya. HER-MER-GERDDD! Sinapian na ako ng bulkang mayon sa sobrang kilig!

"Miss Chasey, utos po ni Mr.Naval na ito raw po ang sasakyan mo papunta sa medical mission." Tinignan ko yung kotse.

"Ay, ano ba naman yan! Two seater lang, hindi ako pwedeng sumabay!" Disappointed kong sabi saka nagcross arms. Natawa naman si pogi sa akin.

"Sorry Mam, utos po kasi ni Sir na si Miss Chasey lang ang isasakay sa Alpha." Tumango- tango na lang ako.

Dadamputin na sana ni pogi yung bag ni Chasey nung may nakipaghilahan sa kanyang panget!

"She's not going with anyone unless it's me." Galit na sabi ni JM. Halatang nainis din si pogi sa inasal ni JM. Pshh! Wala talagang manners ang isang to, sarap ibalik sa pre-school!

"Sorry but this time, she's going with me." May diin sa pananalita niya. Nakangisi siya pero halatang nagngingitngit siya sa inis. Hooh! Go pogi! Tsugiin mo na yang si JM! Ako ng bahala sa pagpapalibing!

"Let go of the bag." Nanggagalaiting sabi ni JM. Lalo namang humigpit yung hawak ni pogi sa bag ni Chasey. Sus! Haba ng hair di ba? Pero mas pinipiling maging tanga? Alam mo yung tipong inubo mo na nilunok mo pa? That was like, Argh! Forget it, masyadong nakakadiri yun.

"Ikaw ang bumitaw, nauna kong nahawakan to."  Ano ba yan! Puro naman sila tinginan! Wala pa ba yung main event? Nakahanda na kaya yung pamusta ko.

Siniko ko si Angelo. "Oy, Gelo, sino sa tingin mo dehado dyan pag nagkasuntukan?" Bulong ko habang titig na titig pa rin dun sa tatlo.

"Ikaw..." Bigla tuloy akong napatingin ng masama sa kanya.

"Ano kamo? Baka gusto mong ikaw ang banatan ko dyan?" Inamba ko sa kanya yung kamao ko. Bahagya naman siyang umatras. Mehehe.

"Ahm, ang ibig kong sabihin, I-ikaw na lang ang humusga." Sabi niya habang nagkakamot ng batok.

"Ah, basta, ako ipupusta ko tong limang libo ko kay pogi." Sabi ko habang binibilang yung pera ko.

"Ey? Four thousand nalang pala? Hmp! Huwag na nga lang!" Tinago ko na lang ulit sa wallet yung pera ko, mukha namang wala din silang balak makipag pustahan sa akin.

Pero grabe naman kasi ang tensyon ke-aga aga. Siguro kung anime to meron pang kuryente na nagsasalpukan dahil sa tindi ng titigan nila. Teka, matawag nga si Grey my labs from fairytail!

Si Chasey nagpapabalik-balik lang ang tingin sa kanilang dalawa.

"Miss Chasey, ang utos ni Mr.Naval, pag hindi daw kayo sa Alpha sasakay, ipupull out daw niya ang lahat ng libro maging yung library ipapagiba." Nanlaki ang mata ni Chasey sa sinabi ni pogi.

"Ha? Ay, teka teka, Jm sige na, dito na muna ako sasakay. Magkita na lang tayo sa Zambales, okay?" Sabi ni Chasey saka kinuha yung bag niya. Mehehe! Yes! One point for pogi yahoo!

"Hay! Nakakainggit naman si Chasey, ang sweet ng sundo niya! Bagay na bagay sila!" Sinadya ko talagang iparinig sa kanya yun. Naka-cross arms akong dumaan sa harap niya saka sumakay sa van. Padabog din siyang pumasok sa loob saka pumwesto sa upuan sa harap.

"Damn it!" Singhal niya nung makitang paalis na yung kotseng sinasakyan ni Chasey at ni pogi.

Isang napakamalditang ngisi ang lumandas sa labi ko.

Hmmm? I'm so gonna love this get away!


Us Against Tadhana 2:  A fight for foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon