Chapter 5: Omelet

106 10 2
                                    

Chapter 5

[Chasey's POV]

"Mr. SOO? Kotse mo? Eh di ba guard ka? Panong-" Pinutol nung driver yung sasabihin ko.

"Guard? Madame, siya po ang Son of the Own-" Hindi niya natapos ang sasabihin niya nung lapitan siya ni Ace at takpan ang bibig saka parang may binulong.

"Sorry bossing." Untag nung driver saka mabilis na sumakay dun sa sasakyan na dala niya kanina. Naiwan akong nakanganga at takang taka sa nakikita ko. Sumakay na si Ace sa sasakyan ko.

"Stop drooling baby, let's go." Bigla akong natauhan sa sinabi niya. Darn this freaking handsome rich guard! Argh! Whatever or whoever he is, Darn him!

Padabog akong sumakay sa sasakyan ko saka nagdrive. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at pumapayag akong maging feeling close tong mokong na to samantalang hindi ko naman siya kilala. Tss!

Pasipol sipol pa siya sa loob ng sasakyan ko. Feel na feel niya grabe!

Pero narealize ko kung anong sinisipol niya.

Do you wanna build a snowman .

"Aw! Bakit bigla bigla ka na lang pumipreno?" Hinihipo hipo niya ang noo niyang bahagyang tumama sa dashboard ng sasakyan ko.

"Cut it out or you'll walk?" Nagngingitngit ang ngipin ko sa inis

"Ang alin ba?" Tss! Turtle mind!

"Wala!" Mataray kong sabi saka nagdrive ulit.

"Pfft! Ang cute mo pag naiinis."

Ang cute mo pag naiinis...

Ang cute mo pag naiinis...

Ang cute mo pag naiinis...

"Awww! Ako na lang magdrive gusto mo? Parang galit na galit ka sa brake eh!"

"Baba!" I gave him a deadly glare kaya nagpeace sign siya.

"Sorry na, tatahimik na ko. Oh, ayan oh, zipped." Minuwestra pa niyang kunwari zinipper niya yung pesteng bibig niya.

"Im warning you!" Inamba ko sa kanya ang nakakuyom kong palad siya naman ay nakapeace sign nanaman ang isang kamay habang ang isa ay nakatakip sa bibig niya.

Tss! The fudge naman kasi! Una yung song na pinipito niya, yun yung hina-hum ni JM noon sa ospital. Pangalawa yung sinabi niya na ang cute mo pag naiinis... Kakasabi lang sakin yun ni JM kaninang umaga. Argh! Nak ng putspa!

Napapafast and the furious tuloy ang pagmamaneho ko.

"Jm? Wake up! Kaya mo pa ba?" Agad ko siyang dinaluhan pagkarating namin sa sinasabing club. Nakakaawa ang itsura niya, halos hindi na niya maimulat yung isang mata niya dahil namamaga. May mga pasa din siya sa ibang parte ng katawan at basag ang ibabang labi niya.

Sinubukan ko siyang akayin pero mukhang may nahawakan akong masakit sa kanya kaya napaikyad siya sa sakit. "Ahhh!"

"I-im sorry." Unti unti ng gumagaspang ang boses ko kaya napahawaak ako sa labi ko para pigilan ang paghikbi. Nakakaawa ang itsura niya. Halatang wala siyang kalaban laban kanina.

Nagngingitngit na ako sa galit sa sinumang gumawa sa kanya nito.

"Tabi ka dyan, ako na ang bahalang mag alalay sa kanya, baka matumba lang kayo." Hinawi na ako ni Ace. Ewan ko ba pero parang nagkusa ang mga paa kong humakbang para sundin ang utos niya. Iniakbay niya sa balikat niya ang isang kamay ni JM saka ito pilit itinayo.

Us Against Tadhana 2:  A fight for foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon