Chapter 16: Zanee's sixth sense

188 11 15
                                    


Chapter 16

[Zanee's POV]


Aligaga si Chasey sa kakahanap kay JM. Bigla bigla na lang kasing nawawala yun. Sana nahulog na lang siya sa gitna ng dagat kanina!

"Nakita niyo si JM?" Tanong niya kay Ryan na may dalang dalawang kahon ng gamot.

"Nandun, dun dinala nung bata." Tinuro ni Ryan yung isang kubo malapit sa pampang.

"Bata? Sinong bata?" Nagkibit balikat lang si Ryan saka naglakad papunta sa tent ng mga doktor. Nagsisimula na rin kasi ang medical mission kaya halos lahat abala na doon. Habang yung lecheng pabebeng JM na yun nawawala pa!

Hinila na ako ni Chasey papunta dun sa tinurong kubo ni Ryan. Nasa harap na kami nung bahay kubo nung nakita namin ang hayup!

"Oh my God!" Natutop ni Chasey ang bibig nung makitang nakahiga sa lupa si JM habang may nakapatong na babae sa kanya. Ang sarap nilang buhusan ng gasolina! Dito pa talaga naisipang gawin yan, sa katirikan pa mismo ng araw and for pete's sake, sa harap pa ng isang bata!

Dali daling tumayo si JM pero hindi niya binitiwan yung babae. Aba! Nakalingkis pa yung babae sa leeg ni JM. Ang kapal ng mukha! Ang sarap subukan kung alin ang mas matigas, itong kamay ko o yung mukha niya?

"I told you Chase, hindi mo dapat pagkatiwalaan yang gagong yan." Tinaas ko ang kilay koat hindi inalis ang titig dun sa babae. Si JM, mukhang taranta na pero yung babae mukha pang masaya sa nangyayari!

Biglang umalis si Chasey ng hindi man lang kumikibo. Tinatawag siya ni JM pero hindi siya lumingon. Paniguradong umiiyak na ang isang yun dahil sa nakita namin. Bakit ba kasi masyado siyang mahina? Kaya ayokong nagtitiwala sa lalake eh, their promises are always meant to be broken.

"Chase!" Sigaw ulit ni JM at aktong hahabulin na sana si Chasey pero pinigilan siya nung babae.

"Wait, pwede mo ba kong buhatin papunta sa loob ng bahay?" Anak ng! Saan kaya gawa ang mukha nitong babaeng to? I never thought may metallic type pala na linta, bakit wala sa encyclopedia yun? I should tweet this to kuya Kim para madagdag sa trivias niya.

Tumango si JM saka binuhat yung linta este yung babae ng pabridal style. Ngiting ngiti naman yung hinayupak na babae!

Papasok na sana sila sa loob nung pumalakpak ako ng mabagal. A very dramatic slow clap just for them.

"Don't get me wrong, Zanee. I'm just trying to help. It's just out of goodness." Lumapit ako sa kanila saka tumitig dun sa babae habang nakataas ang kilay ko at nakangisi.

"Zanee." Bakas na ang pagkatuliro ni JM. Aba dapat lang siyang magkaganyan. Pasalamat nga siya nasa level one pa lang ako. Papaano na lang kung naglevel three na di ba?

"Shhh. Ang ingay ingay mo. Oh wait, out of goodness? Masamang senyales yan. Tsk tsk. Ingat ka, baka kunin ka na ni Lord kung kelan ka pa bumait." I placed my index finger on JM's lips. He's such an interrupting cow.

Nagcross arms ako. Bahagyang tumaas na rin ang kilay nung babae pero nung tignan siya ni JM biglang bumalik sa paawa effect yung mukha niya. Plastik! Itapon ko kaya sa dagat to? Siguradong lulutang naman siya eh. Eh kung sunugin ko na lang? Kaso kawawa naman si mother Earth. Alam ko na, iza Zanee way ko na lang siya.

"Kamag anak mo ba si Superman?" Mataray kong tanong.

"B-bakit?" Aba? May pateary eye teary eye pang nalalaman?

"Ang tigas kasi ng mukha mo eh. Hiyang hiya daw yung bakal sayo." Sabi ko saka ngumisi.

"Zanee tama na, words ain't tangible but it cuts the deepest. Please lang, wala siyang ginagawang masama, it's my fault." Binaling ko ang tingin kay JM saka ulit ngumisi.

Us Against Tadhana 2:  A fight for foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon