Chapter 7: Limousine

95 12 3
                                    

Chapter 7

[Chasey's POV]

"Please have a seat Miss Fortalez." Nakatalikod lang si Mr. Naval sa akin habang nakaupo siya sa swivel chair niya. Weird! Yung boses niya pamilyar sa akin hindi ko lang maalala kung saan ko narinig.

"Thank you Sir." Akala ko ay lilingon na siya sa akin pagkatapos kong umupo pero hindi pa rin! Nanatili lang siyang nakatalikod. Ano kayang problema nito? Nahihiya ba siya sa pagmumukha niya? Mukha namang bata pa siya base sa boses niya ah?

"I have already red your proposal about your plan to have a medical mission in Tagoma island , Zambales, actually I didn't expect you'll ask such favor coz as you can see, my company isn't in line with this kind of things." Napapalunok na ako sa sinasabi niya. Kaya ba ayaw niyang humarap kasi it's a no? Pero grabe naman ata? Bakit di man lang niya iconsider. Kawawa yung mga bata dun sa isla na hindi man lang nakakapagbasa ng libro.

"But Sir-"

"Let me finish first Miss Fortalez."

"O-okay Sir, Im sorry for interrupting." Air-conditioned ang opisina ni Mr.Naval pero grabe ang tagatak ng pawis ko dahil sa nerbyos. BAkit ba hindi na lang kasi niya diretsuhin ng matapos na?

"But since you're targeting a remote area kung saan kailangan pang sumakay ng mga tao sa bangka at bumyahe ng isang oras sa laot, at dalawa't kalahati sa tricycle bago marating ang eskwelahan, I would be glad to participate in your medical mission." Halos mapalundag ako sa sinabi ni Mr.Naval. Hooh! Akala ko talaga bokya na!

"Since you have already stated on your proposal the population of the area, I have already asked my men to prepare the books that will be donated on their library."

"Ah, Sir, I believe they don't have a library in their community. I have personally seen the place, their houses are just made out of bamboos."

" Nung pumunta ka oo wala pa, but now, they already have. Actually kakatapos nga lang pinturahan kahapon." Nalaglag na ang panga ko sa rebelasyon ni Mr.Naval. Grabe! Ang generous naman pala niya eh!

"Maraming maraming salamat po sa contribution ninyo for that poor community Sir. Malaking bagay po ito para sa mga taong nandoon." Naiiyak na ako sa sobrang tuwa. Grabe! Di ko akalaing may ganito pa palang tao sa mundo.

"Don't worry Miss Fortalez, ako na rin ang bahala sa transpo at sa lahat ng expenses ng medical mission, ipapadala ko rin ang ilang tauhan ko para umalalay sa inyo."

"Thank you so much Sir!" Kung pwede ko lang siyang yakapin sa sobrang saya ko ginawa ko na!

"Now if you'll excuse me, I'll be having a satellite conference within 5 minutes. You may now leave, ipapahatid na kita sa driver ko." Wow, sossy?

"Ay hindi na Sir but thank you for your generosity."

"I insist it Miss Fortalez, it's either you accept it or I'll pull out my books for your medical mission."

"Ay grabe Sir, asan ho ba yung driver niyo eto na oh reading ready na ako." Sabi ko saka dinampot ang folder at bag ko saka tumayo. Mahirap na ibang klase pala ang isang to, sobrang demanding!

"He's waiting for you at the entrance of this building."

"Okay Sir, maraming salamat po ulit!" Lalabas na ako't lahat lahat, wala pa rin, hindi pa rin niya ko hinaharap. Sayang naman, maisama ko na lang nga siya sa panalangin ko.

Paglabas ko ng opisina ni Mr.Naval, naabutan kong humahagulgol yung malditang sekretarya niya kanina.

"Finire niya ako grabe! Akala ko kasi kung sino yung pumasok sa CR, siya pala si Mr.Naval." Rinig kong reklamo niya habang inaalo nung isang kasamahan niya sa trabaho.

Us Against Tadhana 2:  A fight for foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon