Mas madali ang law of gravity kesa sa law of acceleration. Kasi mas madali mafall kesa magmove-on!
Andito na naman ako at palihim na nakipagkita kay Aki. Ewan ko ba kahit alam kong mali ito e pinupuntahan ko pa din sya.
"Makikipagbreak na ako kay Tammy!"
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nya. Mukhang seryoso sya.
"Bakit?"
"Ayaw ko na lokohin ang sarili ko! Ikaw ang mahal ko, Janna!"
Then he said it again.
Mahal daw nya ako. Kung pwede lang sabihin ko na mahal ko din sya diba? Kaso alam ko naman na maraming masasaktan e. Una na doon si Tammy, sumunod si Kiel, at syempre ang mga kaibigan ko. Ayaw ko maging third party, ayoko makaramdam na ako ang dahilan kung bakit sila maghihiwalay. Ayoko kasi parehas silang mahalaga sakin!"Hwag mong saktan ang kaibigan ko please!"
Hinawakan naman nya ang kamay ko.
"Hindi mo ba ako mahal?"
"Hindi ako playground na lalapitan at pupuntahan mo lang kung kailan mo gusto maglaro!"
"Seryoso ako sayo, Janna! Patutunayan ko yan!"
"Hindi ko kaya makita na nasasaktan si Tammy! Tapos ano, malalaman nya ako ang ipinagpalit mo sa kanya! Naiintindihan mo ba?"
Mahirap ang sitwasyon namin ngayon. At kung kayo ang nasa kalagayan ko, gagawin mo rin namang magparaya diba?
"Kung talagang mahal mo ako, wag mo sasaktan ang mga taong mahalaga sakin!"
"At ako? Paano ako? Paano tayo?"
Napatungo na lang ako sa tanong nyang yan. Paano nga ba kami?
"Kalimutan mo na lang yang nararamdaman mo para sakin!"
"Yan ba talaga ang gusto mo? Jan ka ba sasaya?"
Hindi pa rin ako makasagot sa tanong nya.
"Sige. Kung yan ang gusto mo!"
Ito ang gusto ko diba. Kasi ito ang tama! Pero bakit sa sinasabi nyang yan, bumibitaw na sya. Para bang wala pa nga kaming nasisimulan pero tapos na!
-000000-
"Oy Janna, tulungan mo nga ako dito sa assignment ko oh!" sabay abot ni Mary Rose sakin ng notebook nya
BINABASA MO ANG
Hashtag: Nainlove na ba AKO?
Short StoryPaano mo nga ba masasabi na inlove ka na? Paano kung sa dinami-daming lalaking makikilala mo ay doon ka pa nainlove sa boyfriend ng bestfriend mo? Ano nga ba ang mas matimbang? Ang lalaking mahal mo? O ang kaibigan mong ayaw mong masaktan? ©mixhaell...