#SecretlyOn

155 23 1
                                    

"Minsan kahit gustong-gusto mong ipagsigawan sa buong mundo kung sino ang mahal mo, hindi mo magawa kasi may mga bagay na mas mabuting ilihim para walang ibang masaktan"-mixh

"So tayo na?", hinawakan naman nya ang kanang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya

"Aki kasi"

"Akala ko ba ok na tayo?"

"Sigurado ka ba dito? Walang makakaalam ha!"

Ngumiti naman sya ng napakalaki. His smile makes my heart beat so fast. Bahala na! Gusto ko din naman sumaya kahit pa alam kong mali ito.

So its official yet unofficial.
Ang gulo ba? Basta alam naming dalawa na kami na pero unofficial sa mga tao sa paligid namin. Gets mo na?

Tinalo pa namin ang magM.U. sa super its complicated na relasyong meron kami. Kakayanin ko kaya?

"Lets go?", hinawakan nya ang kamay ko na para bang walang pakialam sa makakakitang ibang tao.

"Hwag ka matakot! Walang makakakilala satin dito!"

Asan kami?
Andito sa theme park.
Siguro naman sa dami ng tao dito, walang makakakilala samin. Minsan lang naman ang ganitong moment. Sakin ka muna Aki. Yung walang kahating Tammy. Tayo munang dalawa lang. Yung #JaKi naman, kasi alam ko para akong si cinderella na after ng takdang oras babalik na naman kami sa realidad, babalik na naman sya sa totoong nagmamay-ari sa kanya. Susulitin ako ang bawat segundo na meron ako ngayon kasama ka.

Nag-enjoy lang kami sa pagsakay sa mga rides. Yung lahit hilong-hilo na ako e hala sakay pa din. Matapos nun, kumain kami at naglakad-lakad lang.

Gabi na, at ang daming PDA na couple. Buti pa sila no, kahit halikan at yakapin nila ang partner nila kahit kelan, kahit saan e walang humahadlang.

"Kakayanin natin to!",hinawakan naman nya ng mahigpit ang kamay ko

Sana nga Aki. Sana, kasi alam ko sa sarili ko na mahal na mahal kita.

Ganito pala mainlove, kahit sa bawal na tao hindi mo kayang pigilan magmahal. Kaya pala yung iba mas pinili maging number two kesa mawala sa kanila ang taong mahal nila. Kahit pa gusto nilang maging number one at only one, wala naman silang magawa kundi magtiis at umaasa na balang araw maging ok ang lahat.

-000000-
"Janna, balita ko may bago kayong Prof. Gwapo at binata daw ah!", Ira

Magkakasama na naman kami dito sa tambayan. Si Tammy, susunod yun after lunch daw. Naiilang na tuloy ako kay Tam.

"Mas gwapo ba kay Paolo?", Mary Rose

"Oo. Pwede na." sagot ko naman

"Sayo na lang Ira, kontento na ako kay Paolo ko. Gwapo din naman yun,e yung si Troy mo------" naputol naman ang sinasabi ni Mary Rose dahil sa paglapit ni Ira sa kanya

"Ano si Troy ko? Ituloy mo!"

"Nevermind na lang!"

Hinampas naman nya ng bahagya si Mary Rose sa balikat nito. Inaapi na naman po si Ira dito.

"Oy ah. Pogi naman si Troy ko ah! Diba Janna?"

Aba naghanap pa ng tagasuporta.

"No Comment!" sabi ko na lang

Sabay tawa namin ni Mary Rose

"Ang mean nyo talagang dalawa sakin. Mahal ko yun kahit ganun yun!"

"Anong kahit ganun yun?", tanong ni Mary Rose

"Kahit na ano, kahit na basta!"

Tumawa na naman kaming dalawa ni Mary Rose dahil sa sinabi ni Ira.

Nakakatuwa talaga si Ira asarin, namumula ng husto ang ilong nya. Haha

"Hi guys, tara kain tayo!" ang bagong dating na si Tam na may dala-dalang isang galon ng ice cream.

"Oh akala ko ba diet ka Tam, bakit panay ang kain mo na naman ng ganyan?" Ira

"Ee bigay to ni Aki sakin e, ayoko naman tanggihan no!Makikain na lang kayo!"

Ice cream ba kamo? Aba hindi uurungan nina Mary Rose at Ira yan!

"Ikaw Janna, kuha ka na din oh!", Tam

"Sige ok lang ako Tam! Busog pa ako!"

"Hoy Janna, hindi naman gaano nakakataba ito, saka hindi ka iiwan ni Kiel gawa lang dito no!", si Ira habang sarap na sarap sa ice cream nya. Nagkalat pa sa bibig nya.

"Wow ah, sayo pa talaga nanggaling na hindi nakakataba ang pagkain ng ganito! Kaya pala!", pang-aasar ni Tammy

Nagtawanan na lang kami. Nasabi ko na ba na medyo malusog si Ira. Medyo lang naman!

"Nahiya naman ako sa sobrang sexy nyo!", Ira

"Sexy talaga kami!" sabay pa naming tatlo sabi

Masarap magkaroon ng mga kaibigan na sasakyan ang trip ng isa't isa. Kahit wagas ang asaran e wala namang nagkakapikunan. Sana lang hindi sila mawala sakin, kasi hindi ko ata kakayanin.

"Guys namiss ko lang magcamping! Pwede kayo sa friday night?", Tammy

"Saan?", ang excited na si Ira, basta hang-out game na game yan e.

"Sa resort namin sa isla! Magpapaalam na ako kay daddy!"

Si Tammy na talagang richkid.

"Sige isasama ko si Troy ah!"

"Papaalam muna ako kay Paolo. Alam nyo na busy yun sa thesis e!"

"Ikaw Janna? Game ka?", Tam

"Oo naman!"

So eto na naman tayo. Makakasama na naman kita sa isang lugar na kasama ang lahat ng tao na walang nakakaalam sa relasyon natin. Magkukunwari na naman akong manhid at hindi magseselos kapag sweet kayo ni Tammy.

Hashtag: Nainlove na ba AKO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon