Bestfriend break-ups are worst than Relationship break-ups!
Ilang linggo na ang nakakalipas, pero until now I dont have the chance to talk to Tammy. I try to call her, pumunta na rin ako sa bahay nya, ang sabi wala daw dun. After class, sinusubukan kong puntahan sya sa room nya, pero lagi nya akong iniiwasan. I deserve it. I know! Ang sakit lang! Kasi pati sina Ira at Mary Rose ayaw na rin ako maka-usap. Yung mga kaibigan mong akala mong makakaintindi sayo, iniwan ka na.
Everynight, umiiyak ako. I really missed them. This is all my fault. Ang tanga-tanga mo Janna, alam mo namang mali ginawa mo pa din! Naiinis ako sa sarili ko.
Nagring ang phone ko kaya naman mabilis ko itong kinuha kasi baka sina Ira na yun, pero si Aki pala.
I ended his call. Until now, ayaw ko pa din sya maka-usap. Hindi sa sinisisi ko sya sa lahat ng nangyayari ngayon, kasi alam ko, ako naman talaga e. Kung hindi ko sya minahal edi hindi namin magagawang lokohin si Tammy. Sadyang ayaw ko na lang talaga kausapin pa sya. Or should I say, hindi pa ngayon ang oras para satin Aki. Kailangan ko munang ayusin ang gulo meron kami ni Tammy.
Sinubukan kung pumunta sa tambayan namin after class, at hindi nga ako nagkamali nandoon silang tatlo. Masaya lang silang nagkekwentuhan at nagtatawanan. Ok naman pala sila, ok sila kahit wala ako. May lugar pa ba ako sa kanila? Bakit pakiramdam ko, walang-wala na?
"Guys!", napatingin naman silang tatlo sakin dahil sa sinabi ko
"Anong pang ginagawa mo dito?", Tam
"Tam, Im sorry! Hindi ko naman sinasadya!"
"Ah! So hindi mo naman pala talaga sinasadya. Sorry ha, boyfriend ko lang naman kasi yung hindi mo sinadyang agawin sakin! Sorry talaga!"
"Cmon, Tammy and Janna. Para kayong mga bata jan. Lalaki lang yun, sisirain nyo ba talaga pagkakaibigan nyo para lang doon? Grow-up guys!", Mary Rose
"Iiwan muna namin kayo, ayusin nyo yan!", Ira
Iniwan nga kami nung dalawa, at heto ang awkward na naman. Pero tama sila Ira at Mary Rose, kailangan ko itong ayusin.
"Aaminin ko, minahal ko si Aki. Hindi naman kasi sya mahirap mahalin, pero God knows kung gaano ko pinigilan ang sarili ko not to fall for him pero wala e. Im sorry. Nung time na, nakita mo kaming nag-uusap sa room, that was time na magpapaalam na ako sa kanya, para sayo lang sya. Iiwas na nga ako e."
"So you're telling me, na inakit ka ni Aki. At babae ka lang para matukso sa kanya kaya kahit anong pagpipigil mong wag syang mahalin e hindi mo magawa. Wow! Ang linis mo naman!"
"Tam, sayong-sayo lang sya. I never wanted to share, oo nung una akala ko kakayanin ko kasi mahal ko sya. Pero ang hirap, knowing na ikaw masasaktan. Kung kasalanan ko man ang magmahal sa taong hindi na dapat, then fine punish me. But please forgive me."
"I trust you Janna. I trust you kahit nung ginawa ka nyang rebound, na hanggang palabas lang yun. Ang sakit lang na yung mismong bestfriend mo pa ang nag-betray sayo. Matatanggap ko pa kahit sinong ibang babae jan e. Hwag lang yung mga taong pinagkakatiwalaan ko at mahalaga sakin."
"Im sorry! Sorry talaga!", napahawak pa ako sa kamay nya
"Nung mga bata pa tayo, kapag nanghihiram ka ng laruan o kahit kapag may nagugustuhan kang damit. Binibigay ko naman diba. Hindi ako naging madamot, alam mo yan. Pero ibang usapan si Aki. Mahal ko sya, mahal na mahal ko sya. Pero Janna naman!"
"Hinding-hindi ko na kayo guguluhin ni Aki. Sige, lalayo ako sainyo. Sana mapatawad mo na ako!", papaalis na ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko
"Mahal na mahal na mahal ko si Aki. Sya lang yung lalaking nagturo sakin kung ano ba talaga ang love. Pero nasabi ko na ba na mas mahal kayong mga kaibigan ko!"
Napatingin naman ako kay Tammy, saka napayakap ako sa kanya.
"Im sorry!"
"Stop saying sorry, Janna! Kalimutan mo na yun. Mas mahalaga kayo sa kahit sinong maging boyfriend ko!"
"Tam!", mas niyakap ko na lang sya ng mahigpit.
"Sa totoo lang, pinag-isipan ko ito ng husto and it turns out na mas sasaya pala talaga ako kapag kompleto tayong apat!"
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi nya.
"But please promise me, na hwag na tayong mag-aaway just because of a guy ha. Nakakapangit e!"
A second chance of friendship is the most treasured moment. Hinding-hindi kailangan na masira ulit ang tiwala na binigay ni Tammy. In return, kahit mahirap at masakit. Kailangan ko ng kalimutan ang nararamdaman ko para kay Aki.
Minsan pala talaga may mga tao na pinagtagpo pero hindi naman tinadhana para sa isat-isa. Sadyang dadaan lang sila para gawin tayong matibay para sa susunod na magmamahal tayo mas maging ready tayo.
Thanks for the second chance, Tam!
BINABASA MO ANG
Hashtag: Nainlove na ba AKO?
Short StoryPaano mo nga ba masasabi na inlove ka na? Paano kung sa dinami-daming lalaking makikilala mo ay doon ka pa nainlove sa boyfriend ng bestfriend mo? Ano nga ba ang mas matimbang? Ang lalaking mahal mo? O ang kaibigan mong ayaw mong masaktan? ©mixhaell...