"Mahal ka daw, pero patuloy ka namang sinasaktan!"
Naisipan ko munang tumambay dito sa tambayan naming magkakaibigan. Namiss ko lang ang lugar na ito. Namimiss ko na sila.
"Janna?", napalingon naman ako sa tumawag ng pangalan ko at si Ira pala, kasama nya si Mary Rose
"Hoy babae, buhay ka pa pala!", si Ira sabay upo sa tabi ko
"Bakit ba ang tagal mong hindi nagparamdam ha?", Mary Rose
"Pasensya na guys. Too personal!"
"Hala! Kailan ka pa natuto maglihim samin ha! Ikaw na babae ka, kung pag-alalahanin mo kami ganun na lang!", ang madramang si Ira
"Sorry na nga e. Heto na po, hindi na ulit ako magtatago sainyo!"
"Pero bakit nga?"
"Like I said. Confidential!"
"So we need to hire a detective pa, just to know your problem ha. Ganun ba?", si Ira
Namiss ko ang kabaliwan ng dalawang kaibigan ko na ito. Yep, ang pag-iwas sa kanila ay tama na. Ang hirap kayang mag-isa.
"Guys!" , sabay-sabay naman kaming napatingin sa bagong dating na si Tammy.
Umiiyak sya. Bakit? Dahil ba kay Aki?
Lumapit sya samin saka niyakap lang namin sya. Comfort lang ng kaibigan, gagaan na pakiramdam nya.
"We broke up!", iyak pa din sya ng iyak
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nya. Noong narinig ko yun, diba dapat maging masaya ako. Pero hindi, naging malungkot ako. Knowing na ako ang dahilan kung bakit sya umiiyak ngayon. Ako na naman ba Aki? Hindi ba't sabi ko, wag mo ng sasaktan si Tammy? Bakit umiiyak na naman sya.
"I love him. Sya pa lang ang minahal ko ng ganito. Alam nyo naman yun guys diba, sya na ata yung karma ko!"
"Hwag ka ng magpakagag* sa taong hindi ka sineseryoso!",Ira
Ayan na! Hugot from the expert na po!
"I ask him why, ang sabi lang nya. Ayaw nya akong masaktan!"
"Eh gag*pala talaga yun e. Sa tingin ba nya ngayon, hindi ka nya nasasaktan! Mary Rose at Janna, tara suntukin na natin ang Aki na yun!"
BINABASA MO ANG
Hashtag: Nainlove na ba AKO?
Historia CortaPaano mo nga ba masasabi na inlove ka na? Paano kung sa dinami-daming lalaking makikilala mo ay doon ka pa nainlove sa boyfriend ng bestfriend mo? Ano nga ba ang mas matimbang? Ang lalaking mahal mo? O ang kaibigan mong ayaw mong masaktan? ©mixhaell...