One of the hardest things in life is having words in your heart that you want to say, but you know its better to keep it unspoken.
"Ikaw na ang mahal ko,Janna!"
Ilang linggo na ang lumipas nung sinabi nya sakin yan at hanggang ngayon asa utak ko pa din at parang sirang plaka na paulit-ulit sa pagplay! LSS na ako, flashback ano ba!
"Janna, may bouquet of flowers ka na naman galing kay Kiel oh!" sabay abot sakin ni Mary Rose
Asan kami? Andito sa tambayan namin. Nagkasabay-sabay ang vacant namin nina Mary Rose at Ira e. Si Tammy siguro baka kasama lang si Aki, yung boyfriend nya. Oo, yung BOYFRIEND nya. Capslock para masaktan ako at makaiwas umasa!
"Ibalik mo nga yan sa lalaking yun!" sabi ko
Hanggang ngayon naiinis pa din ako kay Kiel dahil sa pagpopost nya ng ganoon na hindi naman totoo. Pati tuloy sina mama, alam na may boyfriend na ako. Kainis yun.
"Patawarin mo na kasi yung tao!" , Mary Rose
"Bahala na!", sagot ko
Kapag nawala na inis ko sa kanya, kakausapin ko naman talaga sya e. Kasi para bang may kailangan lang akong linawin sa kanya.
"May hinihintay lang akong sign!" dagdag ko pa
Ang hirap pakawalan ng isang tao na alam mong sasalo sayo kapag sinaktan ka na naman ng taong mahal mo.
"Kahit ilang signs pa ang dumating, bumagsak man lahat ng bituin sa langit kung hindi mo sya mahal, hindi mo sya mahal! Tapatin mo na yung tao, oy! Pinapaasa mo lang ata e!"
Aray! Nasaktan naman ako sa sinabi ni Mary Rose. Nasaktan ako kasi totoo!
"May chance naman si Kiel diba?" lumapit pa sakin si Ira
"Sweet naman yun at isa pa walang sabit!" dagdag pa ni Ira
"Anong walang sabit?", Mary Rose
Napatingin din ako kay Ira dahil sa sinabi nya. Ira wag lang talaga kung ano ang sabihin mo.
"Walang sabit means? Wala kang kahati sa pagmamahal sa kanya! Yun lang!"
"Ah hindi katulad ni Troy mo, marami kang kaagaw!",pang-aasar ni Mary Rose
"Atleast kahit pa alam kong marami akong kaagaw sa kanya, ako pa din ang pinili nya at minamahal nya!" ang kilig na kilig na si Ira
BINABASA MO ANG
Hashtag: Nainlove na ba AKO?
Historia CortaPaano mo nga ba masasabi na inlove ka na? Paano kung sa dinami-daming lalaking makikilala mo ay doon ka pa nainlove sa boyfriend ng bestfriend mo? Ano nga ba ang mas matimbang? Ang lalaking mahal mo? O ang kaibigan mong ayaw mong masaktan? ©mixhaell...