Chapter 1

19 0 0
                                    

Ron’s POV

Name: Ron Morales

Nick-name/s: Ron, RORO,TMWCBM

Age: 18

Gender: Male

“Insan, nakatulala ka nanaman sa kawalan?”

Nagulat ako sa biglang pagsalita ni Kris, pinsan ko.

“Ah, wala” tumayo ako at maglalakad na sana, ng bigla ulit syang nagsalita.

“Hay nako, Ti-em-dabalyu-si-bi-em ka talaga” Kris

Pagkatapos nya sabihin yun, umakyat na ako at pumasok na sa kwarto ko at iniwan si Kris sa baba, habang nanunuod.

“Hayy” pagbuntong hininga ko tsaka ginulo-gulo ang buhok ko.

Humiga ako at kinuha ang phone sa shorts ko. Hindi ko namamalayan na dina-dial ko na pala ang number ni Coleen. Nagulat ako sa sunod na nangyari. Nagring ito at biglang may nagsalita…

“Ate Coleng, may tumawag!” parang boses yun ng kapatid ni Coleen! O.O

“Hoy Mika! Bakit mo sinag---“ TOOT…TOOT..TOOT

‘Si Coleen yun! Hindi ako nakamali, si Coleen nga yung nagsalita!’

Napangiti ako bigla sa mga nangyari.

“Mahal nya pa kaya ako? , may pag-asa pa kaya?” Napangiti ako. Naalala ko ang PROMISE namin sa isa’t isa.

TO: Leleng(Coleen)

The Promise.Six PM, same place, tomorrow. Hope you come. Maghihintay ako.

-----

MAGHIHINTAY AKO.

Coleen’s POV

Name: Coleen Gomez

Nick-name/s: Coleen, LELENG, Cji (si-ji) , Coleng

Age: 18

Gender: Female

Nag babasa ako ng Wattpad sa laptop ko, si Mika (kapatid) hiniram yung phone ko at mag te-temple run daw sya. Pwede naman sana sa Tab nya bakit yung phone ko pa, diba?

“Ate Coleng, may tumawag!” sigaw ni Mika

Kinuha ko agad yung phone,

“Hoy Mika! Bakit mo sinag(in-end na nya po dito yung call)ot” in-end ko agad yung call, bwisit na bata! Sabi tumawag daw, so it means tapos na. Pero naka on-call pa pala. Bwisit talaga.

“Ate sorry” T_T Mika

“Sige” tutal mabait naman ako eh.

Pero pano yun? Nalaman na nyang ginagamit ko pa din yung sim? Yung PROMISE.

[bzzt..bzzt]

FROM: RORO

The Promise. Six PM, same place, tomorrow. Hope you come. Maghihintay ako.

------

HALA! PATAY! SINASABI KO NA NGA BA! T_T

PROMISE- may promise kami ni Ron na hangga’t itong sim pa din ang gamit namin, mahal ko parin siya.

Mahal ko pa din sya, kaso. . . . .

Paano na yan? Pupunta ba ako? NAMAN OH! Miss na miss ko na si Roro. PERO… pero…

I'm TMWCBMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon