Chapter 4

4 0 0
                                    

Ron’s POV

Hindi ko napansin na habang kumakanta pala ako ay kasabay ang pagtulo ng mga luha ko. Sa pangalawang pagkakataon ay umiyak ako ng dahil kay Leleng. Pinunasan ko ang mga luha ko at itinuloy ko lang ang pagkanta ko.

♪“Cause if one day you wake up and find that you’re missing me

And your heart starts to wonder where on this earth I could be.

Thinking maybe you’ll come back here to the place that we’d meet

And you’d see me waiting for you on the corner of the street.

So im not moving…                                

Im not moving…” ♪

‘Leleng sana dumating ka. Gusto kong malaman ang dahilan mo kung bakit mo ako iniwan. Alam kong may sapat na rason ka kung bakit tayo napunta sa ganitong sitwasyon. At kung maisip mo man na mahal mo pa ako, sana pumunta ka dito, dahil naghihintay ako para sayo’

♪”Policeman says son you can’t stay here

I said there’s someone I’m waiting for it’s a day, a month, a year

Gotta stand my ground even if it rains or snows

If she changes her mind this is the first place she will go.”♪

*Flashback*

Isang taon na ang lumipas, pero hinahanap hanap parin sya ng puso ko. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin ako nakakamove-on sa kanya. Taon ang lumipas at araw na dapat ng anniversary namin. Bumalik ako sa PSF(private soccer field) at nagbabaka-sakaling babalik sa doon. Pagdating ko sa field, walang Coleen ako na nakita doon. Tinanong ko sa guard kung may nagpunta doon…

“Manong, may pumunta bang babae dito?”

“Ah, yung babaeng lagi nyo pong kasama dati. Nung nakaraang taon Sir, pag pumupunta ka dito?” sabi ni Manong.

Kilala nya kami ni Leleng, dahil kami lang naman ang madalas na pumupunta dito nung mga araw na kami pa.

“Opo, yun nga po” sabi ko, habang nag hihintay sa sagot ni manong

“Ah Sir…”

“Ano? Nag punta ba sya?” Ganado kong tanong

“Sir, WALA PO EH” pagkatapos sabihin ni manong yun, parang nalungkot nanaman ako.

Nung pabalik na ako sa Field tumingin muna ako sa labas at parang may naaninag akong babae, kaso bata lang sya.

“Hay, akala ko sya na yun” pagkatapos kong sabihin yun, napatingin ulit ako sa labas..

“Teka, hindi kaya si Mika yun?” kaso nung tumingin na ako ulit sa labas wala na yung batang babae. Kaya bumalik na ako sa Field.

I'm TMWCBMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon