Chapter 15

2 0 0
                                    

Coleen’s POV

Bumalik na si Ron sa bleachers…. After 123456789 years, lagpas isang oras na! kaya lumabas muna kami sa room ng mga players. Dun ulit kami sa gilid, yung tipong maririnig mo sya. Ewan ko ba kung bakit parang hindi kami naririnig ni Ron,’ bingi na kaya sya? ‘ Sinilip ko sya at nakita kong dun sya nakatingin sa kabilang direksyon. Tinanggal nya yung earphone na nakakabit sa tenga nya. Tapos bigla syang nagsalita…

“Bakit hindi ka dumating Leleng?, hinintay kita simula nung iniwan mo ako hanggang ngayon. Miss na miss na kita alam mo ba yun?”

 Pagkatapos nya sabihin yun, bigla sya tumawa tapos parang kinatok-katok yung ulo nya. Tsaka nagsalita ulit….

“Paano mo nga ba malalaman, kung wala ka naman dito. Haha, baliw na ata talaga ako…SAYO. (Sa sinabi nyang yung, unti-unting pumatak ang mga luha ko)” Mahal na mahal kita simula pa nung naging tayo hanggang ngayon. Sana marinig mo to. (‘Oo Roro, naririnig kita’) “Kahit kaylan hindi kita nagawang kalimutan, kahit ilang beses akong pinagtutulakan ng Daddy mo hindi parin ako tumigil. Kasi alam ko na tayo parin hanggang huli. MAHAL NA MAHAL KITA, kahit sandali ko lang naramdaman yung pagmamahal mo. Pero kung ayaw mo na talaga, masakit man sakin. . .

Pero, PINAPALAYA NA KITA, COLEEN GOMEZ.”

 Kasabay ng pagpapa-alam nya sa akin, ay ang pagpatak ng luha sa kanyang mata. Tumayo na sya, at maglalakad sa kabilang direksyon. Hindi ko na napigilan pa, at hindi na rin ako binawalan pa ni Dad. Alam naman na nya na gustong-gusto ko na talaga syang makasama, makausap at mayakap.

“RORO” agad akong pumunta sa kanya, habang sya ay nakatalikod at akmang lalakad na. Niyakap ko sya, ng mahigpit na mahigpit habang may mga luha sa mga mata ko.

I'm TMWCBMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon