Chapter 1

18 0 0
                                    

"No. Ayoko dad. I don't want to do that. Pinanganak ko si Jayson at pinalaki ng wala siya." kinakausap ni Tiffany sa cellphone ang daddy niya habang inaayos niya ang mga damit niya sa kwarto niya.

"Tiffany,anak. Karapatan niyang makasama ang anak niya. Hindi mo ba alam ang nangyari sa kanya?"

"I don't know about it but i don't care what happen to him. Wala na siyang karapatan sa anak ko. Sorry dad madami pa akong aayusin" bago pa man makapagsalita ang daddy niya ay pinatayan niya na ito ng phone. Alam niyang nabastos niya ang daddy niya pero hindi naman siya nito masisi dahil pinipilit ng daddy niya gawin ang ayaw niya.

Pagkatapos niya magtiklop ng damit ay pumunta siya sa kusina para hugasan ang mga pinggan. Kahit na pagod siya galing sa trabaho niya sa isang American company ay nakakaya niya pa ding gawin ang mga household chores. Pagkatapos niyang hugasan ang mga plato ay umakyat na siya sa taas at pinuntahan niya ang anak niyang si Jayson na 5 years old.

Single mother siya. Amaze na amaze sa kanya ang mga katrabaho niya kapag nalalaman nilang single mom siya. Hindi kasi halata sa kanya dahil maganda at sexy pa din siya. Natural lang yun sa kanya dahil 16 years old siya noong nalaman niyang pinagbubutis niya si Jayson. So young right? Nakagraduate naman siya ng high school noon. Tinanggap naman ito ng family niya kaya naging malakas ang loob ni Tiffany na harapin ang responsibilidad niya. 1 taon pagkatapos niya maipanganak si Jayson ay pinagpatuloy niya ang pag-aaral ng college. Nakatapos siya ng computer engineering at ngayon ay nagtatrabaho na siya.

Tinitigan niya ang anak niyang mahimbing na natutulog. Humiga siya sa tabi niya. Naramdaman niyang tumulo ang luha niya mula sa mga mata niya at siya'y bumulong,

"You look like your father. I admit it. You got his eyes,hair and his lips" habang nakayakap siya sa anak niya. Alam niya na hindi ito naririnig ng anak niya. Then she found herself crying silently at the middle of the night.

[Please leave a comment and don't forget to vote]

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon