Anderson POV
Naglalakad ako sa hallway ng makita ko ang isang grupo ng mga babaeng estudyante na nag-aaral din sa school namin. Namukhaan ko yung isa dun. Yun yung sumampal sa akin last week sa cafeteria. Pauwi na ako pero naisipan ko silang sundan. Di naman nila naramdaman na may sumusunod sa kanila dahil may mga estudyante pa din sa school nung mga oras na yun. Nagshades ako dahil ayokong pagkaguluhan ako ng mga gurls. Alam niyo naman na pogi ako. Naging chick magnet kasi ako nung nasali ako sa bandang Eternity Angels. Apat kaming myembro. Si Justine sa base guitar,Drew na drummer,Wilson sa lead guitar at ako syempre ang leader at vocalist ng banda.
"Bye girls" kumaway na si Tiffany sa mga kaibigan niyang may pagkanerd. Nakilala ko siya dahil sa isang unexpected tradegy na naganap last week din. 1 week ko din siyang di nakita. Yun pala nabalitaan ko na naaksidente siya. Halata naman dahil may tapal pa siya sa noo niya. Pumasok ako sa Library. Yung masungit naming librarian,ayun busy sa pag-aayos ng mga files.
Ng naupo na si Tiff sa upuan ay pasimple akong pumunta sa mga bookshelves at kumuha ng isang booklet. Pagkakuha ko nun ay pumunta ako sa gild niya at binati ko siya.
Mukha atang hindi niya ako nakilala dahil di siya agad nagreact. Pero nung nakilala niya na ako,
"Teka,parang kilala kita ah." dahil sa lakas ng boses niya ay narinig yun ng librarian kahit na nasa pangatlong table kami. Kami na lang kasi ang tao dun sa library. Gabi na kasi kaya wala ng ibang estudyanteng nandito maliban sa aming dalawa ni Tiffany.
"Wag ka masyadong maingay Tiff. Baka palayasin tayo ng masungit na to. Sige ka,di mo matatapos yang sinusulat mo." kinuha ko ang upuan na nasa tabi niya at umupo ako sa tabi niya.
Nakaramdam ako ng kaba pero hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa ginawa niyang pagsampal sa akin. Baka kasi sapakin niya na ako ngayon at masira ang malaanghel kong mukha.
"Bakit ka nandito huh? Bakit mo alam ang name ko?" mahinang tanong niya.
"Nakita ko i.d mo eh. Suot mo kaya ngayon ang i.d mo kaya nalaman ko name mo. Staka ano pa bang ginagawa sa library? Di ba nagbabasa lang?" sa totoo lang ay last week ko pa nakita ang i.d niya nung nagkaroon ng unexpected tradegy. Hehehe. . . Nakaisip na naman ako ng kalokohan. Yung kalokohan na ginagawa ko sa mga babaeng lumalapit sa akin. Tinangka kong kunin ang i.d niya na nakapin sa kanang dibdib niya pero tinapik niya iyon. Mukhang hindi ata umepekto ang 1st move ko ah.
"Don"t touch me." matapang talaga tong babaeng to. Challenging. Kaya nag-isip ako ng ibang move.
"Titignan ko lang naman kung photogenic ka. Mas maganda ka kasi sa personal eh. Sabi nila ang maganda daw sa personal maganda din daw sa picture." sinabi ko yan sa kanya pero mukhang hindi effective. Sa mga ibang babae kapag sinasabi ko yan at kapag pinatikim ko sa kanila ang charm smile ko eh halos malaglag na ang mga panty at bra nila sa kilig. Iba talaga tong babaeng to. Manhid ata to? Nagkunwari na lang akong nagbasa pero nag-iisip ako ng mga moves para mapansin ako netong babaeng to.
Sandaling tumahimik ako pero maya maya ay nagsalita siya, "Meron pa lang ganyan na libro sa library?"
Kaya binasa ko ang cover ng booklet na hawak ko."What is the best position in SEX" Ay bobols. Bakit eto ang nakuha kong book. Staka bakit ba may ganito sa library na to? Tinignan ko ang bookshelves na pinagkuhanan ko,"Sexual Education and Sexual Opinions". SHIT na lang ang nasabi ko. Naku naman!
"Ganyan pala ang mga binabasa mo. Di na ako nagtataka kung bakit hindi ka marunong gumalang sa mga babae." yun ang sunod niyang sinabi. Nakakahiya to,baka sabihin na malibog ako. Kahit naman na may mga nakama na akong babae eh hindi naman ako ang nag-aaya. Sila yun kaya sila ang malibog.
"Try mo basahin. Baka magustuhan mo" kinindatan ko siya para di halatang napahiya ako sa sarili ko.
"No thanks. Hindi ako nagbabasa niyan." she brings her notebooks and her bag. Buti na lang at alerto ang isip ko sa mga kalokohan. Tumayo ako at hinila ko siya sa braso. At dinikit ko talaga ang katawan ko sa kanya. Ramdam ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko ng nagtapat ang mukha namin. Napansin ko ang kagandahan niya. Ang mapungay niyang mata,mahaba at curl na pilikmata,matangos na ilong at ang higit sa lahat,her kissable lips. Hindi ko alam na unti unti ko na palang nilalapit ang mukha ko sa kanya. Nakita ko na tatapakan niya ang paa ko pero inunahan ko siya.
"Uuwi ka na agad?" i smiled kahit na dama ko ang kaba sa aking dibdib.
"Tapos na ako kaya uuwi na ako. Let me go." dahil sa sinabi niya ay nilapit ko pa lalo ang mukha ko sa kanya. Hinagkan ko na ang hips niya. Ang sexy niya pala. Malapit ko na siyang halikan pero nakita kong nakatingin sa amin ang librarian kaya binitawan ko siya at sinukbit ko ang bag ko at lumakad pa layo.
Alam ko na umepekto ang move na yun sa kanya dahil nakita ko ang pamumula niya. Ang cute niya kapag namumula ang cheeks niya. Tumingin ako sa epal na librarian at nakita ko na nakangiti ito sa akin. Siguro sa loob loob neto."Dito pa talaga naglampungan tong mga to". Nakakatakot kasi yung ngiti niya.
Hehehe. .. Ngayon nalaman ko na ang kahinaan ng amazonang si Tiffany.
[ Marami pong salamat sa mga nagbabasa. Patuloy po kayong magbasa neto ]