Chapter 7

17 0 0
                                    

Tiffany POV

"Tiffany,alam mo na ba na may bago tayong transferee ngayon?" namumula na sa kilig si Frienzy habang magkukwento na naman siya.

"Ako,narinig ko na yun. Actually nakita ko pa nga yun eh." habang hawak hawak ni Mirna ang Chemistry book niya.

"Ah mukhang ako lang ata ang walang alam ah." sabay kamot ko sa ulo.

"What?!" gulat na gulat si Frienzy sa sinabi ko. Ewan ko ba kung bakit ganito ka OA to. Hehehe

"Makawhat lang huh? Bakit ka ba ganyan makareact? OA much."

"Kasi Tiffany,pinsan yun ni Anderson. Yung nasampal mo sa caffeteria at yung vocalist ng Eternity Angel." sabay palakpak ni Mirna.

"Ah yung walang modong lalake? Tsk. Kaya pala panget yung pangalan ng banda nila kasi siya yung vocalist" tumayo si Frienzy at dinuro niya ako sa noo.

"ouch Frienzy. Masakit ah"

"Kasi ba naman nilalait mo yung mga cute guys na yun. Si Anderson lang naman yung medyo masama ugali eh pero sila Justine,Drew at Wilson. Para silang mga anghel na nahulog mula sa langit" at hinawakan ko ang hintuturo niya.

"Ah fallen angels ganun? Eh ayon sa nabasa kong book,yung mga fallen angels,yun yung mga anghel na nagkasala sa langit kaya pinatapon sa lupa" sumama na naman ang mukha ni Frienzy

"Hindi ganun yun noh! Mababait sila!" nagtinginan ang mga classmates namin sa amin.

"Tama na nga yan Frienzy. Nakakahiya ka" at pilit na ngiti lang si Mirna

"Yung pinsan ni Anderson? Siguro kasing ugali niya yung pinsan niya. Malay mo nga eh magkakunstaba pa sila sa kalokohan ni Anderson o kaya magkasabay pa silang naagbabasa at nanonood ng mga Xrated."

"Hindi mo pa sigurado yun gurl." at umupo na ulit si Frienzy.

"Sus,nung isang gabi nga nakasama ko si Anderson sa library at nakita ko na nagbabasa siya ng booklet about sa sex. Yun ba ang hindi malibog?" bigla ngumiti ng ngiting tagumpay si Frienzy.

"So nagkasama pala kayo sa library nung iniwanan ka namin nung isang gabi?" lumapit sa akin si Frienzy.

"Kaya siguro pinauna mo na kaming umuwi para masolo mo yung si Anderson" ganun din ang ginawa ni Mirna. Ano ba tong mga to? -_-

"Ano ba naman kayo? Coinsidence yun." mukhang mga abogado tong dalawa kung kumilos. Parang iniimbistegahan nila ako.

"Anong ginawa niyo dong dalawa?" at kumunot ang kilay ni Frienzy.

"siye-syempre nagsulat ako ng notes at siya nagbabasa nga booklet"

"Talaga lang huh?!" at pinalo ni Frienzy ang table kaya nagulat ang lahat.

"A-ano ba yan? Ang init. Magpapahangin muna ako gurls. Bye" kinuha ko ang bag ko,nakipagbeso ako sa dalawa at lumakad palayo.

"Hey Tiff! Di pa kami tapos mag-imbestiga. Di ka namin tatantanan." ano to? Imbestigador at sila si Mike Enriques?

GARDEN

Umupo ako sa isang bench at ininom ko ang hawak kong fruit drink na binili ko kanina sa vendo machine. Nastress ako kanina sa dalawa.

"Naku. Kung nandito lang si Camille. Ipagtatanggol ako nun kanina. Kaso nagkataon naman na nagkasakit siya." biglang may nagsalita.

"Yung mga roses ba ang kinakausap mo,miss?"

[ hehehe please share ]

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon