"Hoy kayong mga ungas! Pito kayo tapos nag-iisang babae lang siya!" narinig ko ang tinig ng isang lalaki. Naramdaman ko na mahapdi ang noo ko. Natandaan ko na pinalo pala ako sa ulo ng isa sa kasamahan ng snatcher na hinabol ko. 4 na mga lalaki ang nakahawak sa mga paa at kamay ko. Balak akong gahasain ng mga ito.
"Boy,wag ka na mangialam dito. Kung ayaw mong masaktan ay umalis ka na bata." banta sa kanya ng isa sa lalaking nakahawak sa kamay at braso ko. Unti unting tinataas niya ang palda ko.
"Hindi niyo pwedeng gawin yan sa kanya!" naaninag ko na lumalakad palapit ang lalaking nasa pintuan. Binitawan ako ng 4 na mga lalaki at sinugod nila na may dalang pamalo at kutsilyo. Kahit malabo ang paningin ko dulot ng dugong umaagos sa mukha ko mula sa noo ko,naaaninag ko na nakikipagsuntukan na ang lalaki na kanina nasa pintuan. Isa isa niyang napataob ang 7 mga lalaki.
Halos di na ako makatayo sa pagkahilo. Naririnig ko ang yabag ng mga paa nung lalaking nakipagsunutukan.
"eto ba yung cellphone ng kaibigan mo? Dapat di mo na lang to hinabol. Napahamak ka pa miss" sambit ng lalaki na naramdaman ko ay may inilapag siya sa palad ko. "may sugat ka pala. Tsk" binuhat niya ako ng pangbridal. Hindi ko pa din maaninag ang mukha niya dahil sa dugong patuloy pa din umaagos. Gusto kong magpasalamat pero nawalan ulit ako ng malay tao.
HOSPITAL
"Tiff. . ." narinig ko ang tinig ng mom ko kaya dinilat ko ang aking mga mata.
"Nasaan ako mom?" mahinang tanong ko sa kanya at tatayo sana ako pero pinigilan ako ni mom.
"Wag ka muna tumayo sweety. Makasasama sa iyo. Nasa hospital ka ngayon" tiningnan ko ang paligid at nakita ko na nasa kwarto ako at may nakaturok na dextros sa akin. Kinapa ko ang noo ko na medyo kumikirot. Nakabandage pala ang ulo ko.
"May maliit pero malalim kang sugat sa ulo mo. Buti hindi iyon nagdulot ng kumplikasyon sayo. May sugat ka din sa braso mo pero daplis lang yun sweety" at inihiga ako ng mom ko.
"teka mom,asan na yung lalaking tumulong sa akin?" ginala ko ang aking mga mata upang hanapin ang tumulong sa akin." nanlaki ang mata ng mom ko
"sweety,ikaw lang ang nakita namin sa labas ng bakante at lumang bahay na iyon. Nasa loob naman ng bahay ang pitong mga kapwa snatcher at magnanakaw. Wala kaming ibang lalaking nakita doon" nagulat ako sa sinabi ni mom
"no. Binuhat niya nga ako eh. Siya nga ang nambugbog sa pitong yun dahil bago pa ako makapanlaban ay pinukpok na ako sa ulo ng snatcher" agad naman bumukas ang pinto at nakita ko si dad
"siguro nga may tumulong sayo dahil nakita ka namin sa labas ng lumang bahay na iyon. Sweety,magpahinga ka na muna." nilapag ni dad ang dala niyang prutas at hinalikan niya ako sa noo. Ganun din si mom.
Kahit gabi na ay di pa din ako makatulog dahil iniisip ko ang lalaking tumulong sa akin kanina.
[ continue reading ]
