Chapter 2- Ang Simula

32 0 0
                                    

So ayan na, black siya na Filipinana tapos pa sexy yung likod, san ka pa! Fit na fit rin sakin, para bang ginawa talaga especially for me, charot! May talent portion, Introduction at Question and Answer pa kasing nalalaman. Dami ko pa pala kelangan ihanda.

 Ayon, nagsimula na kaming magpractice ng partner ko para sa talent namin. Isang araw, pinapunta kami sa school para sa mga costumes namin. Pagpunta ko dun, si Mark lang ang tao,

“Asan sila?” tanong ko.

“Wala pa eh.” Sagot niya.

Medyo OP ako nun, di kasi kami close. Siya nga pala yung vitamins sa mata ng mga classmate ko, in short, crush. Sino nga naman hindi magkakagusto sa kanya, singkit, matino, mabait at gentleman pa talaga. 

“Ano ba yan! Magkaharap na nga nagtetext text pa. Mano ba’y mag-usap na laang.” Pang-aasar nung dance instructor sa school namin. Tinawanan lang namin yon, maya-maya nag-ring cellphone ni Mark,

“Hello? Oh. Kami lang dalawa ni Janice dito. Sige sige. Bye.”

“Janice, punta daw tayo dun sa HCA. Andun daw yung costumes natin.”

Sinabi niya pangalan ko! Emeged!! Kilig ko super! Hahaha. At di lang yan,

“Sabay na tayo, may motor ako.” Sabi niya.

“Sige.”

Akalain mo? Makakasakay ako sa motor ng crush ng mga classmate ko! Yiee. Haha! Not a big deal para sa ‘kin pero ewan ko ba kung bakit ganto ko makareact.

At ayon na nga, siya, ako, nasa iisang motor. Di ko maexplain pakiramdam ko nun. Grabe. Feeling ko safe na safe ako pag siya kasama ko. Yay! :”>

Nangmakarating kami dun, gabi na. Di rin kami nagtagal at nagpasiyang umuwi na.

“Patay, gabi na. Natatakot na ko umuwi. Pano na to?”

“Hatid na kita para safe ka.” sabi niya tapos bigla siyang ngumiti. Waaah! Hoy, ano to? Ba’t ako kinikilig? OA lang talaga pagpasensyahan.

“Uy, pahatid din ako.”

 Sabi nung partner niya. (Fyi, di kami partner pero ewan ko ba kung bakit kami nagkaclose. Heaven knows daw. HAHAHA.) Haay ano ba yan! Extra! Hmp. At ayon na ang nangyari. Dalawa kaming angkas at ako ang nasa huli, naman! Wag nang magreklamo basta makauwi. :/

 “Salamat ha. ” sabi ko.

Ngumiti lang siya sabay sabing “sige.”

“Ay ay ayiee!” Pang-asar nung partner niya. Deny deny ang peg pero deep inside, kilig to the max! Hahah. Ako na talaga. Ako na ang reyna ng mga pretenders! Charoot.

Pagpasok ko, dumiretso na ko sa kwarto ko at naghanda sa question and answer portion.

Kinaumagahan, yon na nga, pageant na! Emeged. Bahala na.

PUPPY LOVE - Regret.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon