Chapter 13- Unknown Number

23 0 0
                                    

 Bakasyon na nun, April 2, nagising ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, may nag-text, unknown number, paki ko ba? Kaya natulog ako ulit. Sa kasawiang palad, hindi na ako nakatulog kaya naman, nireplayan ko na.

 “Sino po sila?” sabi ko.

“My, si Mark to.”  (Mommy tawag sakin ng mga classmate ko, kaya ayon, siya ang naging Daddy)

“Ewan ko sayo, san mo naman nakuha number ko?”. Di agad ako naniwala, wala kasi siyang cellphone at kung meron man, san naman siya kukuha ng number ko?

“Kung gusto maraming paraan kaya heto, may commu na tayo.” Wow naman, akalain mo? At ayon na nga may commu na kami kaso nga lang, may oras ang pagtetext. Tinatiming niya pag tulog na parents niya para di siya mahuli.

Natapos ang bakasyon ng ganon, puro text, hindi kami nagkikita. Lalo na ngayon, sa Cebu na siya mag-aaral. Okey lang din naman sakin na ganon kami. Di siya nakakalimot sa monthsary namin, laging nagpapadala ng mga sweet text at ako naman, todo kilig! HAHHAHAHAY life.

PUPPY LOVE - Regret.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon