Chapter 1- Intramurals

44 0 0
                                    

Heto na nga! Ilang linggo nalang Intramurals na!!  Kaya naman inaasign na kami kung saang grupo kami mapupunta. Ang mga pangalan ng grupo? Ayon nakisabay sa uso; Twitter team, Facebook team at syempre, Yahoo Messenger team kung saan ako napunta.

“Tsk! Ano ba yan. Kainis! Wala man lang akong kaclose sa grupong to, badtrip!” sabi ko.

“Tingnan mo si Janice oh! Solo flight ang peg? Haha. Ingat sa OP teh!” Pangungutsa pa ng mga classmate ko.

Dinedma ko lang sila bago pa nila masira araw ko. Ito kaya ang pinakahihintay namin noh! Pwede naming gawin lahat ng gusto namin. Freedoom! Ika nga nila. Bago ang lahat, inasign muna kami sa iba’t ibang activities. At eto ulit, inasign nila ko sa drawing, ewan ko ba parang gustong-gusto nila ang drawing ko eh mukha namang pang-elementary ang drawing ko sa totoo lang. :3. Sinali din nila ako sa volleyball. Hala sige go! Kahit di ako marunong bahala na! Dati na kasi akong sumali sa volleyball team kaso nga lang, di pinalad maging varsity. At ang panghuli, ang aming pambato sa Lakambini na ang pinag-uusapan. Nang biglang,

“Janiceee! Ikaw gagawin naming Lakambini natin! Sa ayaw at sa gusto mo!” sabi nung teacher.

“Huh? Ayoko. Ayoko. Di ako marunong maglakad noh!”

“Ano ka ba! Madali lang yan, kekembot-kembot ng konti tapos smile ka, yun lang!” pangungulit pa nila.

“Magasto yan.” Sabi ko. Gusto ko naman talaga eh, pakipot lang talaga. Hihihi 

“Andami pang sinasabi eh. Hmp. Pakipot. Bahala ka. Nalista ko na. So, goodluck!”

Paano niya nalaman? xD Haay! Excited na ko! Yess! Syempre sino ba naman ang ayaw diba? Kaya nung nalaman ng mga classmate ko, ayon, di na tumigil sa kakaasar. Nature na eh, no choice. Friday nun, kaya bukas Sabado, malamang. Ibig sabihin, maghahanap na ako ng gown! Excited! Haha. May nireto kasi yung teacher namin na kakilala niya, kaya iyon ang pinuntahan namin.

PUPPY LOVE - Regret.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon