Chapter 8- JS Prom

21 0 0
                                    

Ayan.. Juniors and Seniors Prom na! Cocktail ang dress namin, masyado na daw kasing common ang gown. Hmp.

"I will make this night an unforgettable one!" sabi ko. Lakas ng fighting spirit noh? Haha. Sayang lang kasi di si Mark ang pares ko. :( Pero buti nalang naimbento ang cotillion dance! Makakasayaw ko rin siya :))

Malayo upuan namin eh kaya di kami makakapag-usap, present din kasi ang bantay niya. Tssss.

Nagsimula na nga ang sayawan, at maya-maya, heto na!!! Ang cotillion dance! Makakasayaw ko na rin siya. :D

At heto na.

Grabe. Nang-init katawan ko tapos ang kamay dre, nanlamig!

Anong pauso to ha? xD Bigla lang akong napangiti sa kilig nang ngumiti siya at biglang nagsalita,

"You look so gorgeous Janice. :)"

Nakuuu naman! Haaaay Mark. You light up my world like nobody elseeee!!! Inlove na ata ako. *__*

Ang cute kaya ng smile niya, syempre, ako kaya ang nginitian. Booom!

Pagkatapos ng sayaw, nag-awarding na. Akalain mong naging Prom Princess ang lola niyo! Oooohlala. Napili rin kami ng partner ko bilang couple of the night. Siya rin yung naging Lakan nun (remember?) kaya medyo comfortable ako. :) 

Ayan, tapos na ang program, disco na! Syempre dahil naka make-up ang lola niyo, aba sulitin na!  Minsan lang maging maganda kaya picture picture time!! Kami-kami muna ang nagpicturan, maya-maya biglang nakaisip ng kalokohan ang kaibigan kong loka-loka.

"Tawagin mo si Daddy dali!" Utos niya sa isa kong classmate.

"Nako. Wag na! Nandiyan mama niya baka mahuli kami." sabi ko pero deep inside, tawagin niyo na, DALIIIII!! :">

"Pacute pa eh, kunyari ayaw. Hmp. Wag masyadong magblush teh!"

Magsasalita pa sana ako, eh bigla siyang dumating, akalain mo?

BIGLA AKONG NASPEECHLESS! Weew.

"Dali. 1, 2, 3.."

"Baka makita tayo, ano ka ba." Sabi ko, concern lang naman eh. :)

"Yaan mo na yun. Ako na bahala dun. Sige na, smile na kasii."

Sige na nga. Haha :"> ayon. Pinicturan na nga kami. Parang hollywood ang peg teh! Ang daming lens na nakatutok samin. Haay. kahit mga loka-loka classmate ko minsan, alam nila yung nagpapaligaya sa kin kaya nga love ko ang mga yan eh!! Pati yung katabi ko sa picturee. Ooops! Nadulas ako. Hayaan. :"> (Kami yung nasa title :"> )

PUPPY LOVE - Regret.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon