Chapter 4- Nauso ang Ehem!

31 0 0
                                    

Kinaumagahan ay nagtext yung may-ari ng gown, kukunin na niya yung mga pinaupahan niyang damit. Akalain mo, parehas pala kami ng inupahan? Kaya ayon, kaming dalawa plus yung friend ko ang naghintay sa may gate. Maya-maya ay dumating na rin.

“Nakakagutom yun ah! Tara sabay na tayo kumain!” sabi niya.

“Taraa!” syempre tatangi pa ba ako?

“Ehem! Ehem. EHEEEM!” Hayy eto na naman ang trabaho ng kaibigan! Batukan ko kaya para mawala yang bara sa lalamunan. Kainis. Ayan tuloy, kinilig na naman ang lola niyo!! HAHAHAaay.

 -

Pagkatapos namin kumain syempre, chika-chika muna. At ayan, nakita kami ng buong school na magkasabay kumain, eh ano naman diba? Patay malisya mga pre! Pagkatapos nun, dun kami tumambay sa bahaykubo sa loob ng school.

“Ang boring naman. Taya!” Sabi ko.

At heto na naman ang trip ko, habulan. Hahha.

Nandun lang kami sa kubo naghabulan, may lamesa kasi sa gitna at don lang kami nagpaikot-ikot! Parang mga tanga noh? Pero enjoy naman, super!

 Maya-maya..

“Nakakapagod. Taguan nalang tayo. Kami ni Mark, tapos kayo nung bata.” Sabi ko dun sa kaibigan ko. Like a boss eh. Haha.

Dami ng tawa ko habang naglalaro. At dahil siya ang kasama ko, ayan na naman ang mga asar. Mga classmate naman niya. UTANG NA LOOB! Wag niyong tigilan! Hahahah. Kilig kaya. :P

PUPPY LOVE - Regret.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon