Chapter 15- Wala na.

23 0 0
                                    

 June 8 nun, monthsary namin, sa wakas nagtext din. 12:05 am nun.

 “MOMMY HAPPY MONTHSARY! Whoow! Di ko akalaing aabot tayo ng 3 months. I love you. I love you. I love you my!”. Tapos sa baba nun may heart pa, tapos sa loob nakasulat, Janice.

Emeged! Syempre blooming na blooming ako nun. Ikaw kaya makatanggap ng text galing sa mahal mo diba?

Naging busy ako sa paghahanda para sa pangangampanya namin sa school. Tatakbo kasi akong secretary sa school namin nun. Ewan ko ba, bigla nalang pumasok sa isip ko na gusto kong makipaghiwalay sa kanya. Ewan ko ba. Di ko alam kung paano itetext kaya binigla ko nalang.

“Mark, makikipagbreak na ko sayo. Im sorry.”

Haaay nako! Ano? Tama ba to? Panindigan na, nasend na eh. Di ko inaasahan na ganto magiging reaksyon niya.

“Alam ko naman na dati mo pa yan gusto. Wala kasi akong time sayo. Sorry sa pagkukulang ko my.”

Wala na. Break na kami nun. Tae. Pinalabas ko na wala siyang time sakin kaya ako makikipagbreak. Totoo rin naman pero ang pinaka reason ko talaga kasi, di ko na kaya harapin yung monster mom. Yun bang sa tuwing nagkaklase kayo eh, ramdam mo yung guilty na di mo alam kung saan nagmumula. Wala naman akong ginagawang mali at lalo naman siya. Immature pa lang talaga ako nun. Akala ko ang pagboboyfriend, time lang ang kailangan, okey na. 

PUPPY LOVE - Regret.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon